Jennylyn hindi raw bet ang in-laws, pinipigilang dalawin ni Dennis, true ba?

TRUE bang hindi kasundo ni Jennylyn Mercado ang magulang ng asawang si Dennis Trillo? Totoo rin kayang pinagbabawalan niyang dalawin sila ng aktor?
Ito ang ibinalita ng showbiz insider na si Ogie Diaz sa YouTube channel nila ni Mama Loi at kasama sina Dyosa Pockoh, Tamerlane Mopa, at Oliver Carnay na kwento ng kanyang source na huwag babanggitin kay Jennylyn ang pangalan niya.
Ang kwento ni Ogie, "Pangalawa na itong nagsabi. Gusto ko na lang tanungin kung gaano katotoo na si Jennylyn Mercado ay hindi sa kanya okay ang kanyang in-laws or 'yung family ni Dennis Trillo?"
Nagulat si Mama Loi, "Ha? Ang tagal na nilang magkasama (mag-asawa)?"
Baka Bet Mo: Jennylyn Mercado nagbabala sa kumakalat na fake online gaming ad
Sey ni Ogie, "Yes four years na hindi naman daw nagpapakita o nagpaparamdam itong si Jennylyn sa family ni Dennis. Dumating ang Pasko, ang Bagong Taon at no show daw.
"At parang hindi raw pinapayagan ni Jennylyn si Dennis na pumunta (dumalaw) do'n sa family. Una kong narinig 'yun pero hindi ko pinansin hanggang sa may nag-pm (private message) sa akin."
Binasa ni Ogie ang mensahe sa kanya:
"Can you ask her if she's in good terms with her in-laws? Four years now, Dennis has not seen his sisters because Jennylyn is not in good terms with them.
"She has not greeted her mother and father in-law even during Christmas and birthdays. 'Yung mommy ni Dennis, siyempre matanda na and Jennylyn has prevented him from seeing them.
"Pakitanong kay Jennylyn if she has greeted them even through text. Dennis supports his parents though, financially. He has been a good son until he married Jennylyn."
Nabanggit din ng nagpadala ng mensahe kay Ogie na silipin nito ang Facebook account ng father-in-law ni Jennylyn at makikitang ni minsan ay wala roon ang manugang nilang si Jennylyn.
May nagtanong ding fan na bakit laging wala si Jennylyn sa mga family pictures at sinabi pang hindi raw kayang magalit ng mommy ni Dennis sa kanya dahil nag-iisa raw siyang anak na lalaki.
Sey pa, "His parents are in his old house in Taytay (Rizal). He supports them sa lahat ng gastos ng bahay kasi siyempre matanda na nga sila. Recently, na-hospitalize ang father ni Dennis."
Hindi nakadalaw ang aktor sa ama, kundi nagpadala lang ng video greeting kasama ang anak nila ni Jen na si Dylan Jayde.
Nabanggit pa na nu'ng nakaraang taong 2025 ay nag-imbita si Dennis ng lunch kasama ang pamilya niya sa bahay nilang mag-asawa pero nakiusap siya sa mga kapatid nitong babae na hindi sila kasama dahil ayaw daw silang makita ni Jennylyn.
Tuloy ni Ogie sa pagbabasa, "Dennis is so kind talaga baka twice pa lang nakita (pamilya niya) ang anak nila ni Jennylyn. Siguro ang tinutukoy 'yung sisters ni Dennis na bihirang makita ang kanilang pamangkin at apo.
"Sorry for this but I really want to hear Jennylyn's side kung gaano ito katotoo baka kasi hindi siya sanay na may kapatid at magulang ang kanyang partner."
Ang tinutukoy siguro ng nagpadala ng mensahe ay dahil lumaking walang kapatid si Jennylyn sa pamilyang umampon sa kanya.
Nasambit pa na walang mababasang binati ng aktres ang pamilya ng asawang nitong nakaraang holiday season.
"In fairness kay Dennis ay pinipilit nitong balansehin lahat," saad pa ni Ogie.
Dagdag pa, "Ibinabalita lang namin ito at ang makakapag-confirm lang nito ay ang in-laws ni Jennylyn at siya mismo, lalo na si Dennis kasi na dutiful son kasi suportado pa rin niya ang magulang financially. "
Hirit ni Mama Loi, "Ano kaya ang backstory niyan kasi imposible namang nowhere lang 'yan, for sure may pinanggalingan (kaya nagalit si Jennylyn)."
"Yun din ang iniisip ko kasi ano basta na lang ganu'n, nag trip lang si Jennylyn? Kaya gusto ko malaman kung ano 'yung dahilan ni Jennylyn," sey ni Ogie.
Maliban kina Ogie, bukas din ang BANDERA sa panig ng mga pangalang nabanggit tungkol sa isyung ito.
The post Jennylyn hindi raw bet ang in-laws, pinipigilang dalawin ni Dennis, true ba? appeared first on Bandera.

No comments: