BREAKING NEWS

Donnalyn Bartolome viral uli dahil sa ‘back-to-work’ hugot after holiday break

Donnalyn Bartolome viral uli dahil sa 'back-to-work' hugot after holiday break
Donnalyn Bartolome at JM de Guzman

VIRAL na naman ang social media post ng actress-vlogger na si Donnalyn Bartolome dahil sa mga hugot ng ilang netizens sa pagtatapos ng Christmas break.

Actually, 2023 pa nang ibahagi ni Donnalyn ang naturang post kaugnay ng pagbabalik sa trabaho mula sa ilang araw na bakasyon dahil sa pagse-celebrate ng Pasko at Bagong Taon.

Pero muli nga itong napagdiskitahan ng ilang netizens dahil sa pagrereklamo ng ilang Pilipino na back to reality na naman matapos ngang mag-holiday break ay work, work and work na naman.

Kaya nay mga nag-post ng viral statement ni Donnalyn Bartolome kung saan nagbigay siya ng saloobin kung bakit maraming "sad" na back to work na agad.

Sey ng aktres at singer sa kanyang post, para sa kanya, happy and excited siya kapag back to work na lalo na sa first day ng Bagong Taon dahil sa pamahiing kapag may trabaho sa unang araw ng New Year ay buong taon kang papaldo.

"Bakit may sad dahil back to work na? Diba dapat masaya ka kasi may chance ka na pagandahin buhay mo at ng pamilya? 

"Trip ko pa nga may work ng January 1 dahil superstition ko may work ako buong taon pag ganun. Dapat grateful kasi may work," sey ng vlogger.

"If work makes you unhappy, I hope you find a job that will. Yung pakikilig ka and sheet. Anyway, this is just a reminder that having a job is a blessing bessss change mindset, it's 2023!!" dagdag pa niya.

Narito ang mga comments ng netizens nang mabasa muli ang post ni Donnalyn sa Facebook page na "Follow The Trend Movement" na may caption na, "Never forgetti."

"Nagwowork ako during Christmas eve and New Years Eve para wala kana masabi Donnalyn."

"PAPASOK DIN NAMAN KAMI !!! gusto lang namin mag Drama! ito naman!"

"Shet bawal nga pala magreklamo. Buti pinaalala nyo to."

"Anong mali sa sinabi nya? She has a point."

"Ano ba Donnalyn?! Onting sense of humor nman… lighten up!!!"

"Mag tatatlong taon na pala yung magmamana ng kumpanya. Go guys kaya natin to toxic positivity pa rin tayo."

"dati ang insensitive nito para sa akin pero ngayon gets ko na ang point hahaha dapat talagang maging grateful kasi may babalikan pa tayong work after major gastos."

"I mean in this economy??? May point naman si Donalyn! Insensitive and parang mockery nga lang yung pag deliver and tone nung post nya."

Samantala, bago matapos ang 2025, ibinalita ni Donnalyn sa madlang pipol na hihinto na siya sa pagba-vlog.

The post Donnalyn Bartolome viral uli dahil sa 'back-to-work' hugot after holiday break appeared first on Bandera.


Donnalyn Bartolome viral uli dahil sa ‘back-to-work’ hugot after holiday break Donnalyn Bartolome viral uli dahil sa ‘back-to-work’ hugot after holiday break Reviewed by pinoyako on January 05, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close