BREAKING NEWS

BINI Jhoanna hugot na hugot sa gitna ng pang-iintriga sa kanila ni Skusta Clee

BINI Jhoanna hugot na hugot sa gitna ng pang-iintriga sa kanila ni Skusta Clee
Skusta Clee at BINI Jhoanna

FEELING ng madlang pipol, para sa pagli-link sa kanila ni Skusta Clee ang pagre-repost ni BINI Jhoanna Robles ng luma niyang mensahe sa kanyang X account.

Mainit kasing pinag-uusapan ngayon sa social media kung nagkakamabutihan na nga ba sina BINI Jhoanna at Skusta dahil sa kanillang mga post sa Instagram.

Napansin kasi ng mga netizens ang tila pagkakapareho ng mga ibinahagi nilang litrato sa Instagram na kuha sa iba't ibang lugar sa Vietnam.

Kaya ang paniwala ng mga Marites ay posibleng magkasama sa naturang bansa ang isa sa mga miyembro ng BINI at si Skusta Clee.

"Exactly the same place: Temple of Literature (J standing, S sitting, parehong first pic and both have the identical bonsai pot). 

"Same area: Old Quarter, Hoan Kiem (J night food street + ice cream, S "see you again" neon signage). Same area: French Quarter, Hoan Kiem (J busy daytime intersection, S french-style balconies)," ang komento ng isang netizen.

Sa gitna nga ng pang-iintriga ng mga social media users, nag-repost si Jhoanna sa X ng isang mensahe na ibinahagi niya noong October 7, 2025.

"What keeps my heart strong is knowing that God knows my heart."

"People can say whatever they want, they can make stories or judge without knowing the truth but at the end of the day, God sees everything and that's enough for me.

"Kasi as long as my intentions are pure and my heart is right, I don't have to explain myself to anyone," ang buong pahayag ni BINI Jhoanna.

Narito naman ang reaksyon ng mga followers niya sa X na karamihan ay parang kumbinsido ngang may "something" sa kanila ni Skusta Clee.

Mahirap po ba sabihin na 'hindi totoo yung rumor?'"

"Yep. It's not your duty to explain yourself in the first place. God knows you best, and so do the people around you. We know you well. Hindi mo kailangan mag-explain. Hindi natin sila bati."

"I love you, Jho."

"I love you with all my heart, we're always here to defend you."

"Whether the rumors are true or not, I still support you. Do whatever makes you happy. You do you, I trust your judgment. People can say nasty things which reflect on who they truly are."

"Will never listen to the unnecessary noise. We love you, Jho! Always."

Bukas ang BANDERA sa magiging pahayag o paglilinaw nina BINI Jhoanna at Skusta hinggil sa isyung ito.

The post BINI Jhoanna hugot na hugot sa gitna ng pang-iintriga sa kanila ni Skusta Clee appeared first on Bandera.


BINI Jhoanna hugot na hugot sa gitna ng pang-iintriga sa kanila ni Skusta Clee BINI Jhoanna hugot na hugot sa gitna ng pang-iintriga sa kanila ni Skusta Clee Reviewed by pinoyako on January 05, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close