BREAKING NEWS

Chavit Singson duda sa pagkamatay ni Catalina Cabral: Palagay ko tinulak! 

Chavit Singson duda sa pagkamatay ni Catalina Cabral: Palagay ko tinulak! 
Chavit Singson at Catalina Cabral

NANINIWALA si dating Ilocos Sur Gov. Luis "Chavit" Singson na itinulak at hindi nagpakamatay si dating Department of Public Works and Highways (DPWH) Usec. Catalina Cabral.

Sa kabila ng mga resibo at ebidensya na inilabas ng Philippine National Police (PNP) at Department of Interior and Local Government (DILG), feeling ni Singson, hindi ito isang kaso ng suicide.

Ayon sa dating gobernador, kailangan daw mas busisiin pa ang imbestigasyon sa pagkamatay ni Cabral ba sinasabing siyang may hawak ng lahat ng "susi" sa mga katiwalian at korapsyon sa pamahalaan.

"Kailangang maimbestigahan 'yan. I don't believe na nagpakamatay 'yon," pahayag ni Chavit sa isinagawang presscon ng kanyang kampo nitong Lunes, January 5.

Sa pagkakaalam daw ni Chavit, may tumatawag daw kay Cabral kaya nagpabalik-balik ito sa isang bahagi ng Kennon Road sa Benguet noong December18, 2025 kung saan natagpuan ang kanyang bangkay sa bangin.

"Unang-una, takot sa height 'yon. May tumawag sa kanya na pumunta doon at nagbalik-balik (sila ng kanyang driver) dahil may tumawag-tawag na 'punta ka roon, punta ka roon. 

"Palagay ko tinulak. Ang balita ko, siya ang nakakaalam lahat 'yong mga kalokohan," aniya pa. 

Matatandaang pumanaw si Cabral noong December 19 nang madaling araw matapos umanong mahulog sa bangin na tinatayang nasa 20 hanggang 30 metro ang lalim.

Natagpuan at na-recover ang kanyang wala nang buhay na katawan malapit sa ilog ng Bued sa Tuba, Benguet.

The post Chavit Singson duda sa pagkamatay ni Catalina Cabral: Palagay ko tinulak!  appeared first on Bandera.


Chavit Singson duda sa pagkamatay ni Catalina Cabral: Palagay ko tinulak!  Chavit Singson duda sa pagkamatay ni Catalina Cabral: Palagay ko tinulak!  Reviewed by pinoyako on January 05, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close