BREAKING NEWS

‘Call Me Mother’ pumaldo, MMFF 2025 movies mapapanood hanggang January 14

MAY update na ang content creator na si Ogie Diaz sa walong pelikulang kasama sa 51st Metro Manila Film Festival at nangunguna pa rin ang "Call Me Mother" na umabot na sa P314, 370,000.00 as of January 5, Lunes.

Ikalawa ang "Shake Rattle and Roll: Evil Origins" na tumuntong na sa P107, 390,000.00 na sa tingin namin ay hindi pa ito naka-break even.

Bumalik na sa ikatlong puwesto ang "UnMarry" na may gross na P47,290,000.00 na good thing dahil dumarami ang nanonood at mahabang pila sa Gateway Cinema 8 kahapon, Enero 6.

Nasa ika-apat ang "Bar Boys: After School" P46, 320,000.00 na naka-sold out ulit kahapon, Enero 5 sa SM North Edsa at SM San Lazaro.

Baka Bet Mo: Call Me Mother, SRR: Evil Origins, UnMarry nangunguna pa rin sa MMFF 2025

Panglima ang "Love You So Bad" na kumabig ng P23,650,000.00 na karamihan ay estudyante ang nanonood kaya maiintindihan kung bakit medyo mabagal ang usad ng gross kahit kaliwa't kanan pa ang good reviews,

Pang-anim ang "I'm Perfect" P22, 410,000.00 na tingin namin ay hindi pa ito naka-break even.

Nanatiling nasa pang pitong puwesto ang "Manila's Finest" na P16, 140,000.00 at dahil sa laki ng production cost ay malaki pa ang kailangang habulin ng pelikula ni Piolo Pascual.

Hindi naman natinag sa ika-walo at huling puwesto ang "Rekonek" na napako na yata sa apat na milyon na nasa P4, 890,000.00 ngayon na hindi nagkakalayo sa huling nasulat namin na P4,092,000.00.

Umabot na ng total gross as of January 5 ng P582,450,000.00 ang mga MMFF 2025 film entries.

At para mabigyan pa ng pagkakataong kumita ang mga pelikulang nabanggit lalo na 'yung naghahabol na maka- break even ay in-extend ng Metropolitan Manila Development Authority nang isa pang linggo ang 51st MMFF hanggang Enero 14 at magagamit pa rin ang mga MMFF passes.

The post 'Call Me Mother' pumaldo, MMFF 2025 movies mapapanood hanggang January 14 appeared first on Bandera.


‘Call Me Mother’ pumaldo, MMFF 2025 movies mapapanood hanggang January 14 ‘Call Me Mother’ pumaldo, MMFF 2025 movies mapapanood hanggang January 14 Reviewed by pinoyako on January 06, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close