BREAKING NEWS

Bangs Garcia muntik maaksidente kasama mga anak: God’s hand is real 

Bangs Garcia muntik maaksidente kasama mga anak: God's hand is real

LABIS ang pasasalamat ng dating aktres na si Bangs Garcia dahil ligtas silang mag-iina habang binabagtas ang isang kalsada sa England.

Sa kanyang Instagram page ay ibinahagi ng dating aktres na ngayo'y naka-base na sa England ang karanasan kasama ang dalawang anak na sina Amelia at Isabella nang muntik na silang mag-crash habang bumabyahe sa isang icy road.

"This morning was a reminder of how fragile life is. My car skidded on an icy road and nearly crashed whilst driving my girls to school," pagbabahagi ni Bangs.

Dagdag pa niya, "Just icy roads and a powerful reminder that God's hand is real and present."

Baka Bet Mo: Bangs Garcia proud ibinandera ang pagiging 'British citizen'

Sa kabila ng kanilang malagim na experience ay mas naging matatag pa ang pananampalataya ni Bangs sa Diyos.

"I thank God everyday for always protecting me and my family," sey ng dating aktres.

Matatandaang naka-base na ngayon sa United Kingdom si Bangs buhat nang ikasal ito sa kanyang Filipino-British husband na si Lloyd Birchmore noong 2017.

Noong nagdaang Pasko, ibinahagi ng dating aktres na ang paglisan sa mundo ng showbiz at ang pagsisimula ng bagong buhay sa UK ang "best decision" na nagawa niya sa buhay.

Sey ni Bangs, "Being a hands-on mum while rebuilding my career from zero has been one of the hardest seasons of my life… but also the most humbling and rewarding.

"Today, I can finally say I am fully settled, stronger than ever and ready to spread my wings and soar once again."

The post Bangs Garcia muntik maaksidente kasama mga anak: God's hand is real  appeared first on Bandera.


Bangs Garcia muntik maaksidente kasama mga anak: God’s hand is real  Bangs Garcia muntik maaksidente kasama mga anak: God’s hand is real  Reviewed by pinoyako on January 08, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close