Nadine Lustre nahanap na ang prince charming, naging praning na dyowa?

INAMIN ni Nadine Lustre kay Vice Ganda na nahanap na niya ang Prince Charming niya sa current boyfriend niya ngayon.
Nakapanayam ni Vice Ganda ang aktres sa YouTube channel noong nasa Hongkong Disneyland sila para sa shooting ng pelikulang "Call Me Mother" na in-upload nitong Miyerkules ng gabi.
Say ni Nadine, "Feeling ko naman, sana-sana. Oo, saka sabi ko sa kanya pag nag-break pa tayo hindi na ako magdyo-dyowa."
Nakangiti rin si Vice sa sinabi ng co-star niya sa pelikula at sinabing sobrang in-love ito marahil sa current boyfriend niya na sinang-ayunan naman.
Baka Bet Mo: Nadine Lustre hindi kakayanin kung naging nanay agad sa murang edad
"Kasi parang.. ewan ko kasi kung hindi pa siya 'yun, feeling ko sobrang okay na siya para sa akin. Hindi man siya perfect pero para sa akin, sobrang okay na siya perfect na siya for me,"paliwanag ni Nadine.
Dagdag pa niya, "at saka for some reasons alam mo lang na ito na 'yun, iyon ang na-feel ko sa kanya. Kaya nga sabi ko sa kanya pag nag break pa tayo hindi na ako magdyo-dyowa kasi ayaw ko na (kasi) for me parang ang hirap makahanap ng tulad niya."
Hindi raw marrying type si Nadine, "hindi (sabay iling), pero gusto ko naman ng celebration not necessarily wedding pero gusto ko ng celebration with family not necessarily 'yung malaking celebration sa church (hindi Disney wedding) gusto ko lang by the lake with close friends tapos pa-party na kayo ganu'n lang ka-simple. Hindi naman ako nag-dream ng malaking wedding."
Edad 31 na si Nadine at hindi iyon namalayan ni Vice dahil parang kailan lang daw ay mga bagets pa sila noon sa una nilang pagsasama sa pelikulang "Beauty and the Bestie" ng 2015 kasama si Coco Martin na idinirek ng nawalang si Wenn Deramas.
Susog ng aktres, "kaya nga nakakatuwa nga kapag nakaka-receive ako ng comments sa IG ko na kunwari naka-bikini ako, 'ano ba 'yan bakit naggaganyan siya ang bata-bata pa niya!' Sa loob-loob ko, treinta na ako teh.'
"Actually in my teen years sabi ko, 'shit pag nag twenty ako ikakasal na ako baka magkaroon na ako ng family.' Tapos nu'ng nag twenty ako, parang no! Tapos nu'ng nag twenty five na ako, sabi ko baka pag nag thirty na ako, then hindi pa rin pala?"
Tanong ni Vice, "You don't feel old yet?"
"Not at all, nage-enjoy lang kasi ako," saad ng dalaga.
Sa tanong kung handa nang maging wife si Nadine.
"Parang ibang responsibility 'yan, siguro. Kung mangyayari, e, di go. I think kami kasi we're both focus on working on ourselves din meaning na nago-grow pa kami separately and were growing together kasi may mga businesses kami together at ang dami pa naming gustong marating," pahayag ng aktres.
Tanong pa ni Vice, "Praning ka bang girlfriend?"
"Before, ngayon parang sobrang iba napi-feel ko lang na secured ako sa kanya, feeling ko both depende rin talaga sa situation. I would say na may times na napa-paranoid ako but not because of the relationship but of other things. I think 'yung pagka-paranoid ko nandoon pa rin naman (singit ni Vice na baka dahil sa hormones),"say ni President Nadine according to her fans.
Ang natutunan daw ni Nadine after ng nakaraang relasyon, "unahin mong mahalin ang sarili mo kahit gaano mo kamahal ang partner mo, nagto-todo ako ng love pero makikita mo naman kasi kung 'yung partner mo nagre-reciprocate at dapat balance pa rin."
Katwiran naman ng 51st MMFF Best Actor na kahit may red flag na ay kailangang intindihin at hindi ganu'n kabilis umalis dahil sa pagmamahal sa partner.
"Kapag aubos ka na parang basong tubig na naubos ka at walang nagre-refill ikaw naman ang magsa-suffer," ito ang katwiran ng dalaga kaya sa relasyon nila ngayon ng dyowa niya ay balanse, "we fill each other's glasses ganu'n."
At kahit na sobrang in-love si Nadine sa partner niya ay hindi pa raw niya nasubukang mag-beg o magsabi ng 'please stay.'
"Depende kung itong dyowa ko ngayon in some way ganu'n ang mangyari sa amin oo (ipaglalaban niya) kasi worth naman na magpakumbaba ka. Meron kasing mga taong hindi (worth) it," saad niya.
At dahil mother role sila ni Vice sa "Call Me Mother" ay natanong ng host kung hand ana siyang maging ina.
"Hindi pa, actually ayaw ko talaga mag-anak, pero kung mangyayari at ibibigay sa akin tatanggapin ko naman.
"Takot kasi ako, magre-raise ka ng tao siyempre responsible dapat hindi lang siya laruan, hindi lang cute na parang may kamukha ako, parang it's such a huge responsibility takot ako pag nagkamali ako.
"Pag-isipan talaga kasi sobrang hirap ng buhay ngayon. I think isa pang reason kasi is hindi pa ako tapos i-discover ang sarili ko tapos mag-aanak ako tapos lahat ng attention ko at oras ko mapupunta sa bata. I feel like in some way baka sobrang maka-affect din siya sa akin. Ganu'n lang ang laking responsibilidad na nakakatakot isya for me, natatakot ako,"paliwanag mabuti ng dalaga.
Pero kumambyo si Nadine na pag nagawa na niya lahat ng gusto niyang gawin sa buhay niya ay hindi niya isinasara ang pintuan para maging nanay.
The post Nadine Lustre nahanap na ang prince charming, naging praning na dyowa? appeared first on Bandera.

No comments: