Aldrine Anzures 1st time Palanca winner na nagbibigay pag-asa sa kabataan

ISANG makulay na panaginip para sa baguhang manunulat na si Aldrine F. Anzures, na nagwagi ng First Prize sa Dulang May Isang Yugto (One-Act Play) para sa kanyang piyesang "Anino ng Pagtubos" sa 2025 Carlos Palanca Memorial Awards for Literature.
Ito ang kauna-unahang pagkakataon na siya ay nanalo sa prestihiyosong patimpalak, na bahagi ng selebrasyon ng Diamond Jubilee ng Palanca Awards, na nagmarka ng 75th years ng pagkilala sa panitikang Pilipino.
Sa panayam ng BANDERA, ibinahagi ni Aldrine kung paano niya naisipang sumali sa Palanca: "Actually ano siya, parang sort of, I just want to try the process. 'Yung pagpapasa, like kasi supposedly parang gusto ko talaga magpasa, i-try na yung pagpapasa… So sinubukan ko 'yung process this time around. Pero basically, it's about trying the process ng pagpapasa."
Ang kanyang piyesa ay tumatalakay sa dalawang hitmen na nag-uusap habang nag-iinuman, na sa pagtatapos ay lumalabas na isang conjured image lamang.
Baka Bet Mo: Sundalo na si Joan Saga-oc 1st time Palanca winner, ibinandera kwento ng Kalinga
Sa puso ng dula ay ang tema ng guilt at morality.
"So it talks about guilt, hanggang saan yung extent and limits na kayang gawin ng isang tao when it comes to maybe pulling the trigger," kwento niya.
Bilang isang first-time awardee, hindi niya inakala na makakamit agad ang panalo: "Hindi talaga ako mapaniwala. Kasi parang grabe, 3 a.m. po 'yung email. Then nabasa ko siya kakagising ko lang preparing to go to work. Then nu'ng nakita ko 'yung first prize, sabi ko, 'ay, hindi ito totoo. Baka scam 'to.'"
Dagdag pa niya, tumawag siya sa Palanca office para tiyakin na totoong panalo siya.
Si Aldrine, 24 anyos at nagtatrabaho bilang researcher sa isang government agency, ay nagsimula lamang sa pagsusulat noong nakaraang taon sa pamamagitan ng workshop ng Lampara Books para sa mga batang mambabasa.
Nagkaroon rin siya ng honorable mention sa novel competition para sa "Libro ni Rin."
Para sa kanya, isang "experimental year" ang 2025 at ang pagsusumite sa Palanca ay isang bahagi ng kanyang patuloy na pag-evolve bilang manunulat.
Sa inspirasyon ng dula, paliwanag niya: "Feeling ko kasi matagal na akong hunted nung idea ng story. Like ano 'yung nasa isip ng mga hitmen. Killing for maybe, for a reason."
"Siguro parang it's an attempt to try to see yung pagiging tao. But it's also a fear na parang hanggang saan ba dapat yung pag-humanize," paliwanag niya.
Bagama't nanalo ang manuscript sa Palanca, plano ni Aldrine na ituloy ang pagpapalabas at pagtatanghal ng dula sa stage.
Kasalukuyan siyang nakikipag-ugnayan sa theater guilds at scriptwriting organizations upang mapabuti at maipakita ang kanyang obra sa mga manonood.
"Even though nanalo na siya, parang I'm still not very convinced na ganun 'yung quality niya… Hopefully, once na ma-publish siya sa website, once na ma-share siya, magkaroon ng potential na magkaroon ng opportunity to stage," wika niya.
Para sa mga kapwa-manunulat, malinaw ang kanyang mensahe: "Magsulat lang nang mag-sulat at magbasa… At huwag ka sumuko kung gusto mo talaga ito eh. Kahit anong comment sa'yo ng mga tao, critic, sa mga workshops, magtutuloy ka magsulat. Kasi gusto mo siya. At naniniwala ka doon sa pagsulat na 'yun, maybe mababago na 'yung sarili mo and eventually, the community and society."
The post Aldrine Anzures 1st time Palanca winner na nagbibigay pag-asa sa kabataan appeared first on Bandera.

No comments: