BREAKING NEWS

Beyoncé opisyal nang bilyonaryo, posibleng umabot sa P8.3-B ang yaman

Beyoncé opisyal nang bilyonaryo, posibleng umabot sa P8.3-B ang yaman
PHOTO: Facebook/Beyoncé

MUKHANG hindi lang "Single Ladies" ang patok sa kanta, pati bank account ni Beyoncé ay sobrang laki na! 

Ayon sa Forbes, opisyal nang isang bilyonaryo ang 44-anyos na superstar, kung saan isa na siya sa napakaliit na grupo ng mga musikero na nakaabot ng ganitong tagumpay.

Kasama niya ngayon sa exclusive club ang kanyang mister na si Jay-Z, pati na sina Taylor Swift, Bruce Springsteen, at Rihanna.

Paano nga ba niya narating ito? Ayon sa international magazine, ito ay dahil sa sunud-sunod na blockbuster years! 

Baka Bet Mo: Beyonce humakot ng nominasyon sa Grammy Awards; BTS gumawa muli ng kasaysayan

Noong 2023, ang kanyang Renaissance World Tour ay kumita ng halos $600 million o mga P33.6 bilyon.

Noong 2024 naman ay dahil sa ni-release niyang Grammy-winning country album na "Cowboy Carter," at sinundan pa ng pinakamalaking global tour ng 2025!

Ayon sa Forbes, kung pagsasamahin ang kita mula sa mga tours, musika, at iba pang negosyo, umabot si Beyoncé ng $148 million bago pa man kaltasan ng buwis noong 2025, na mga P8.3 bilyon.

Ito rin ang ikatlo pinakamalaking kinita ng sinumang musikero sa mundo noong taong iyon.

At kahit lumago na ang negosyo niya sa iba't ibang larangan mula sa hair-care brand, whiskey label, hanggang sa clothing line, sinabi ng Forbes na ang karamihan ng kanyang kayamanan ay galing talaga sa musika niya, mga global tours, at ang pag-control sa rights ng kanyang back catalog.

The post Beyoncé opisyal nang bilyonaryo, posibleng umabot sa P8.3-B ang yaman appeared first on Bandera.


Beyoncé opisyal nang bilyonaryo, posibleng umabot sa P8.3-B ang yaman Beyoncé opisyal nang bilyonaryo, posibleng umabot sa P8.3-B ang yaman Reviewed by pinoyako on January 02, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close