BREAKING NEWS

BTS nagpahiwatig na ng comeback sa 2026, sa Marso na raw?

BTS nagpahiwatig na ng comeback sa 2026, sa Marso na raw?
BTS

ANG gandang salubong naman sa K-Pop fans, lalo na sa ARMY!

Nagpahiwatig na kasi ang K-Pop kings na BTS tungkol sa kanilang comeback na talaga namang ikinagulat at ikinatuwa ng kanilang fans.

Sa isang cryptic na mensahe sa Weverse, inilagay ng grupo ang "2026.03.20" o March 20, 2026.

At kasabay niyan ang tila logo ng kanilang comeback, kung saan ramdam din ang excitement nina Jimin at V para sa "better memories in 2026."

Baka Bet Mo: Mikee Quintos winner bilang ARMY, na-gets autograph ni Jungkook!

Bukod diyan, nilinis na rin ng BTS ang lahat ng posts sa Instagram at ang naiwan lang nila ay ang kanilang black-and-white logo. 

Ang layout naman ng kanilang Facebook, X (dating Twitter), TikTok, Weverse, at iba pang social media accounts ay binago na rin.

Kinumpirma rin ng kanilang label na BigHit Music na sa nasabing petsa ilalabas ang kanilang album, na magiging unang comeback nila sa loob ng mahigit tatlong taon.

Bagamat maraming haka-haka, pinili ng septet na manatiling misteryoso at nag-live sa Weverse para salubungin ang Bagong Taon.

<blockquote class="twitter-tweet" data-media-max-width="560"><p lang="en" dir="ltr">BTS closed the year and opened a new one with an OT7 live, leaving fans feeling nothing but grateful and blessed. <a href="https://t.co/xCgcRDdvg2">pic.twitter.com/xCgcRDdvg2</a></p>&mdash; Pop Core (@TheePopCore) <a href="https://twitter.com/TheePopCore/status/2006380181175652369?ref_src=twsrc%5Etfw">December 31, 2025</a></blockquote> <script async src="https://platform.twitter.com/widgets.js" charset="utf-8"></script>

Ang BTS ay muling nagkita noong 2025 matapos silang makalabas sa mandatory military enlistment. 

Habang hinihintay ang buong grupo, ang bawat isa ay abala sa solo activities, kabilang ang pagpapalabas ng kani-kanilang albums. 

Ang ilan ay nag-world tour pa, habang ang iba naman ay naging aktibo sa larangan ng art, kultura, at fashion.

The post BTS nagpahiwatig na ng comeback sa 2026, sa Marso na raw? appeared first on Bandera.


BTS nagpahiwatig na ng comeback sa 2026, sa Marso na raw? BTS nagpahiwatig na ng comeback sa 2026, sa Marso na raw? Reviewed by pinoyako on January 02, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close