Kaye Abad nanakawan sa US: Importante, my family is safe!

NANAKAWAN ng mahahalagang gamit ang aktres na si Kaye Abad habang nagbabakasyon ang kanyang pamilya sa Amerika.
Hindi raw ma-imagine ni Kaye ang masaklap na nangyari sa kanila sa Las Vegas kung saan nabiktima ng mga kawatan ang gamit nilang sasakyan.
Sa kanyang Facebook page, ibinahagi ng aktres na nangyari ang insidente habang kumakain sila ng pananghalian sa isang lugar sa Las Vegas.
Nadiskubre na lamang nila na nawawala na ang kanyang bag na naglalaman ng mga mahahalagang gamit, kabilang na ang mga ID at passport.
Ang masaya sana nilang pamamasyal nu'ng araw na yun ay nabahiran ng pangamba at pag-aalala kung saan kinailangan pa niyang mag-report sa mga awtoridad doon
Kalakip ang litrato niya sa loob ng police station, narito ang kuwento ni Kaye, "We went to Vegas para magbakasyon and isuroy ang kids.
"Never did I think that one of the places I'd end up visiting was the police station.
"My bag was stolen inside the car with all my IDs and 2 passports. (never leave ur bags inside the car.) We just had lunch for 1 hr and this happened," pagbabahagi ng aktres.
Ngunit sa kabila ng nangyari, super thankful pa rin si Kaye dahil walang masamang nangyari sa kanya at sa asawang si Paul Jake Castillo, pati na sa kanilang mga anak na sina Pio Joaquin, 7, at Iñigo Leon, 3.
"Anyways, lesson learned. I still believe that everything happens for a reason. Kung ano man ang reason Nya…
"Iniisip ko na lang, everything can be replaced. Importante, my family is safe. God is good," pahayag ng aktres.
Wala namang nabanggit si Kaye sa kanyang post kung nakilala o nahuli na ng mga pulis ang magnanakaw na nambiktima sa kanila.
The post Kaye Abad nanakawan sa US: Importante, my family is safe! appeared first on Bandera.

No comments: