BREAKING NEWS

Andres Muhlach, Rabin Angeles iniintriga, may ‘rivalry’ dahil sa fans? 

Andres Muhlach, Rabin Angeles iniintriga, may 'rivalry' dahil sa fans?
Andres Muhlach, Rabin Angeles at Ashtine Olviga

INIINTRIGA ang Viva Artists Agency (VAA) matinee idol na sina Andres Muhlach at Rabin Angeles tungkol sa namumuong rivalry umano sa kanilang dalawa.

Ito'y dahil na rin sa nangyayaring "fan wars" sa kanilang respective love teams na unang nakilala at sumikat dahil sa success ng first season ng kanilang Viva One series na "Ang Mutya ng Section E."

Pak na pak ngayon ang tandem ni Andres at ng kanyang leading lady na si Ashtine Olviga na binigyan agad ng launching movie ng Viva Entertainment, ang "Minamahal: 100 Bulaklak Para Kay Luna".

Habang si Rabin naman ay umariba nang bonggang-bongga sa Viva One series na "Seducing Drake Palma" at bibida na rin sa first movie niya, ang Philippine adaptation ng hit Korean movie na "A Werewolf Boy" kasama ang ka-loveteam niyang si Angela Muji.

Muling magkakasama ang dalawang phenomenal VAA loveteam sa "Ang Mutya ng Section E: The Dark Side", ang season 2 ng kanilang hit Viva One series.

Kaya naman sa mediacon ng nasabing serye na ginanap last Tuesday, November 18, natanong sina Andres at Rabin tungkol sa sinasabing "rivalry" issue.

Ayon kay Rabin, hindi naman daw apektado ng fan wars ang friendship nila ni Andres, "Pagbalik po namin na magte-taping na kami ng Mutya, parang na-miss pa nga namin 'yung isa't isa, eh."

Napag-usapan din daw nila ni Andres ang isyu nang magkasama sila sa isang acting workshop para sa "Mutya ng Section E: The Dark Side."

"Sinasabi ko po sa inyong lahat na parang kuya ko talaga (si Andres) kasi tinuturo talaga sa akin niyan na 'Huwag ka magbasa ng comments masyado, para 'di ka maapektuhan,'" sey pa.ni Rabin.

"Meron talagang times na may nababasa akong mga comments tapos minsan nalulungkot po ako. Ni-remind po ako (ni Andres) na 'Okay, game na uli tayo. Magsu-shoot na uli tayo. Huwag ka magbabasa-basa ng comments masyado. Okay po kami," aniya pa.

Para naman kay Andres, "The beauty of Ang Mutya ng Section E talaga was the bond of everyone in the cast and I think that's what brought the magic really.

"Kahit naman nag-aaway (ang mga fans) minsan, it's just really important to try not to look into it that much talaga kasi, at the end of the day, we're all friends really and we enjoy each other's company.

"At the end of the day, I don't see that there's a rivalry. They're just very supportive and they just really want the best for us," chika ni Andres.

Para sa lahat ng fans nina Andres, Ashtine, Rabin at Angela, mapapanood na ang first part ng "Ang Mutya ng Section E: The Dark Side" sa Viva One sa December 4. 

Iikot ang kuwento ng second season ng serye sa mga bago at pasabog na revelations sa magulo, maintriga pero makulay na buhay nina Keifer (Andres), Jay-Jay (Ashtine), at Yuri (Rabin), pati na ng iba pang characters na talagang nagmarka at minahal na ng mga manonood.

Kasama pa rin sa cast sina Andre Yllana, Heart Ryan, Charles Law, Frost Sandoval, Kurt delos Reyes, Ethan David, Martin Venegas, Keagan de Jesus, Nic Galvez, Daniel Ong, Michael Keith, Sam Shoaf, Yanyan de Jesus, Derick Ong, AJ Ferrer, Kyosu Guinto, Sara Joe, Jastine Lim, Rafa Victorino, Angela Muji, Zeke Polina, Rommel Luna, Yayo Aguila, Joko Diaz, Nathalie Hart, Billy Villeta, Austin Dizon, Jeffrey Hidalgo, Taneo, Rhen Escaño, at Nanette Inventor.

Mula sa Studio Viva at Wattpad Webtoon Studios, "Ang Mutya ng Section E: The Dark Side" ay mula sa direksyon ni Petersen Vargas.

Composed of 18 episodes, this sequel will start to unfold on December 4, 2025 for the 9-episode part 1 and will resume on June 11 for the second half to close the much-anticipated book 2. 

The post Andres Muhlach, Rabin Angeles iniintriga, may 'rivalry' dahil sa fans?  appeared first on Bandera.


Andres Muhlach, Rabin Angeles iniintriga, may ‘rivalry’ dahil sa fans?  Andres Muhlach, Rabin Angeles iniintriga, may ‘rivalry’ dahil sa fans?  Reviewed by pinoyako on November 19, 2025 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close