Angelica Panganiban ilang beses inoperahan dahil sa ‘avascular necrosis’

HINDING-HINDI naisip ng Kapamilya actress na si Angelica Panganiban na layasan ang showbiz kahit na ilang taon din siyang nawala sa eksena.
Apat na taon ding hindi nakagawa ng teleserye at pelikula si Angelica dahil mas pinili muna niyang mag-focus sa pagiging wifey at first-time mommy.
Ayon sa aktres, wala naman siyang regrets na mas pinili muna niyang makasama ang non-showbiz husband na si Gregg Homan at ang anak nilang si Amila.
Actually, may plano na sana siyang bumalik sa showbiz nitong nagdaang taon pero nagkaroon naman siya ng mga health issues kaya hindi ito natuloy.
"Siguro nagsunud-sunod lang yung nangyari sa akin since I got pregnant and then gusto ko talagang mag-focus doon sa pagiging nanay dahil may kanya-kanya naman tayong mga panahon di ba?
"And I really believed na, all my life since I was six years old, I'm 39 now, so parang since six years old ako, nag-aartista na ako, nagtatrabaho na ako.
"So nu'ng nabigay na sa akin yung time to pause and time to parang nurture being a mom, ibinuhos ko talaga doon," ang pahayag ni Angelica sa panayam ng ABS-CBN.
Noong mag-two years old na si Amila ay kino-consider na niyang magbalik sa pag-arte pero nagkaroon nga siya ng problema sa kalusugan at kinailangang sumailalim sa ilang surgery matapos ma-diagnose ng sakit na nakaapekto sa kanyang mga buto.
"Nu'ng time na parang finally okay na, parang since nag-two years old na siya, I was diagnosed with avascular necrosis and slowly nag-deteriorate yung katawan ko hanggang hindi na ako nakalakad, I was on a walker and then napunta na nga sa wheelchair," aniya.
Ayon sa isang health website, ang "avascular necrosis, also called osteonecrosis or bone infarction, is death of bone tissue due to interruption of the blood supply. Early on, there may be no symptoms.
"Gradually joint pain may develop, which may limit the person's ability to move. Complications may include collapse of the bone or nearby joint surface."
Pagpapatuloy ni Angelica, "Then I had to do so many surgeries. Hip decompression and hip replacement on my left side and then on my right. And then nag-recover pa so ang dami talagang pinagdaanan. Kaya medyo natagalan yung pagbalik," pahayag ni Angge.
Ngunit sa kabila ng mga pinagdaanang pagsubok, hindi pumasok sa isipan niya ang tumigil sa pag-aartista.
"Habang pinagdaraanan ko yung mga yun, lagi akong may longing na, hindi lang longing, inggit din, sa iba mong nakakatrabaho, sa ibang mga artista di ba pag napapanood mo sila na parang ah, gusto ko yung ginagawa nila, nami-miss ko na, ganu'n.
"So nu'ng may mga projects na ino-offer, parang naghihintay lang din talaga ako ng tamang project na magpapa-oo sa akin kasi gusto ko talaga yung habang ginagawa ko yung project, isang daang porsyento ako du'n.
"At hindi ko mararaamdaman na, 'Bakit ako nandito? Eh ang saya-saya na ng buhay ko du'n kasama ng mag-ama ko.' So kailangan worth it na worth it yung pakiramdam and kumpletong-kumpleto yung pag-oo ko, talagang isang daan.
"Para wala kang kahit one percent na regret, di ba? Kahit makaramdam ka ng pagod and overwhelming na pakiramdam," sey pa ng aktres na finally ay magbabalik-acting na nga sa pelikulang "UnMarry".
Ito ay isa sa mga official entry sa Metro Manila Film Festival 2025 kung saan muli niyang makakasama si Zanjoe Marudo mula sa direksyon ni Jeffrey Jeturian under Quantum Films and CineKo Productions.
The post Angelica Panganiban ilang beses inoperahan dahil sa 'avascular necrosis' appeared first on Bandera.

No comments: