Akusasyon ni Imee Marcos laban kay PBBM ikinabahala ng Catholic bishop

HINDI sang-ayon ang isang Catholic bishop sa ginawang panglalaglag ni Sen. Imee Marcos sa kapatid niyang si Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos.
Kinontra ni Antipolo Bishop Ruperto Santos ang paraan ng pag-aakusa ng senadora sa Pangulo ng bansa na matagal na raw umano itong gumagamit ng ilegal na droga.
Sabi ni Bishop Santos, totoong may karapatan ang sambayanang Pilipino na malaman ang tunay na estado ng kalusugan at kapasidad ng mga matataas na leader ng bansa.
Pero ang ginawa raw ni Sen. Imee na akusahan ang kapatid na Pangulo na nagdodroga sa harap ng milyun-milyong Pilipino nang walang due process, walang ebidensiya at sa hindi tamang venue ay sumisira sa dignidad ng lahat ng taong involved.
"Yes, the public has a legitimate right to be informed about the health and capacity of its leaders, especially the President.
"But publicly accusing a family member—without due process, without clear evidence, and outside the proper forum—undermines not only these values but also the dignity of all involved," paliwanag ng obispo.
Dagdag niyang pahayag, dapat ding isaalang-alang ng mga opisyal ng pamahalaan kung ito ba ang tamang paraan at lugar para ibandera sa publiko ang mga isyu at kontrobersya para sa demokrasya .at transparency.
Ang punto pa ng obispo, ang ginawa ba ni Sen. Imee ay tunay na pagmamahal at pagmamalasakit sa kanyang kapatid, "If this were truly an act of love and concern for a sibling and for the Filipino people, why only now—and why in such a manner?"
Para sa kanya, dapat daw itinama muna ng senadora ang pagkakamali (kung meron nga) ng kanyang kapatid sa pribadong paraan sabay banggit sa Bible verse na, "Now if your brother sins, correct him first in private… (Matthew 18:15)."
Dapat din daw sagutin ng isang tao na gagawa ng isang bagay ang mga tanong na, "What is my intention? What truth must I face? What healing must I seek? Conscience is the quiet voice of God within us. It must guide our words, our actions, and our silence."
"If there is truth in the accusation, then let this be the beginning of conversion. Seek help. Seek healing. Seek holiness," sabi pa ni Bishop Santos.
"This is not just a political moment—it is a moral one. The Filipino people are watching. The youth are listening. What kind of example are we setting?" pahabol pa niya.
The post Akusasyon ni Imee Marcos laban kay PBBM ikinabahala ng Catholic bishop appeared first on Bandera.

No comments: