Rica Peralejo rumesbak sa paratang na ginastos pera ng simbahan

NIRESBAKAN ng nagbabalik-showbiz na aktres na si Rica Peralejo ang nagparatang na ninakaw umano niya ang ang pera ng kanilang simbahan.
Mariing pinabulaanan ni Rica na kinuha at ginastos niya ang ilang bahagi ng pag-aaring pera ng pinaglilingkuran niyang simbahan at ng asawa niyang si Joseph Bonifacio.
Nabanggit pa ng aktres na paano niyang nanakawin ang pera ng kanilang church samantalang mas malaki pa raw ang savings niya kumpara sa simbahan nila.
Sa Threads post ni Rica nitong nagdaang Huwebes, January 1, ipinost niya ang screenshot ng alegasyon ng isang nagngangalang "Agathon Topacio" mula sa TikTok.
"If you steal the tithes, may balik talaga," ang mababasa sa naturang post.
Binuweltahan naman siya ni Rica ng, "Pasikatin 'to si Agathon Topacio from Tiktok who keeps insinuating I use the money of our church.
"How can I use it when I have more money from all my years of work till present than my husband and the church?" ani Rica.
Pagpapatuloy pa niya, "Alam naman natin na hindi lang sya nag-iisip ng magandang narrative kaya hindi sya nakapili ng tamang ibato sa pagkatao ko pero I wanna know why kaya?"
Nanawagan din siya sa Threads na kung maaari ay imbestigahan si Agathon kung bakit ito gumagawa ng kuwento at kasinungalingan.
Pero sey ni Rica, may naiisip na siyang dahilan kung bakit, "I have theories.One is projection.Yung iniwan namin for that reason ay malapit sa kanya."
The post Rica Peralejo rumesbak sa paratang na ginastos pera ng simbahan appeared first on Bandera.

No comments: