Lagi bang nakatayo si ‘Junjun’ sa tuwing gigising sa umaga? ‘Congrats!’

PARA sa lahat ng kalalakihan, napapatanong ka ba kung bakit pagkagising mo sa umaga ay nakatayo palagi si "Junjun" o ang iyong pagkalalaki?
May sagot diyan ang kilalang doktor at content creator na si Doc Alvin Francisco na nagpaliwanag kung bakit okay na okay sa isang lalaki na gigising sa umaga na nakatirik si "Junjun."
Kapag daw tumatayo pa rin nang kusa ang ari ng lalaki, indikasyon ito para masabing healthy at maayos ang daloy ng dugo sa kanyang katawan.
Ayon kay Doc Alvin, "Congrats! Kasi posibleng mas healthy ka. Normally kapag natutulog tayo, tumatayo nang kusa ang junjun ng up to fives times buong gabi at yung pagtayo niyan ay tumatagal po ng up to 40 minutes."
Ito raw ay tinatawag na "nocturnal penile tumescence" ani Doc Alvin, "Normal na proseso po ito sa ating mga kalalakihan at kahit bata ka pa lang hanggang magkaedad ka na tumatayo na po yan nang kusa tuwing gabi."
Sabi pa ni Doc, posibleng mas healthy ang lalaki kapag kasabay nitong gumising sa umaga ang kanyang junjun, dahil ang mga ugat daw ng ari ay napakaliit lang at napakakipot.
So, kung nakatayo iyan sa umaga, ibig sabihin, maganda ang daloy ng dugo mo sa katawan," sabi pa ni Doc Alvin.
Dagdag impormasyon pa niya, puwede pa nga itong maging warning sign sa iba pang mga uri ng karamdaman tulad ng stroke at heart attack kung hindi tumatayo si Junjun nang kusa.
'Also kung sabay kayong nagigising ni junjun, ibig sabihin maganda rin po yung hormones sa katawan n'yo, at ibig sabihin maganda rin ang quality at haba ng itinulog mo sa gabi," sabi pa niya.
Payo pa ni Doc Alvin, para mas maging healthy, iwasan na ang sobrang pagyoyosi, pag-inom ng alak, at paglagang ng mga pagkaing sobrang tamis.
"At umiwas po sa mga marites dahil nagbibigay sila ng stress," ang birong advice pa ni Doc Alvin sa madlang pipol.
The post Lagi bang nakatayo si 'Junjun' sa tuwing gigising sa umaga? 'Congrats!' appeared first on Bandera.

No comments: