Kara David biktima ng fake news, wish kay ‘San Pedro’ kasinungalingan

HINDI pinalampas ng Kapuso broadcast journalist na si Kara David ang kumalat na balita tungkol sa umano'y bagong wish niya sa pagpasok ng 2026.
Mariing pinabulaanan ng TV host at dokumentarista ang inilabas na report ng isang online site na meron daw siyang panibagong hiling laban sa mga korap na opisyal sa pamahalaan.
Sa pamamagitan ng Facebook, ibinahagi ni Kara ang screenshot ng post mula sa isang social media page na nagpakalat umano ng maling balita.
"My new year wish sana this time 'yong mga utak at mismong puno ang kunin naman ni San Pedro," ang mababasa sa post ng Celebrity Buzz PH na nagmula raw kay Kara.
Ngunit paglilinaw ng news anchor, "This page is spreading false information about me. Please help me report this page."
"Celebrity Buzz PH kindly take down this post. I do not tolerate 'fake news,' ang sey pa niya.
Kasunod nito, binura na ng nasabing site ang kanilang post kaya naman nag-thank you si Kara mga tumulong na i-report ito, "Salamat po sa lahat. Mukhang they already took down the post."
Sa comments section ng kanyang Facebook post, muling nag-iwan ng mensahe si Kara tungkol naman sa isang netizen na naglabas din ng naturang fake news.
"O eto pa. Ginagmit ako for their content. Fake news naman. Kung gagawa ng meme, sana naman yung totoo. Hindi kasinungalingan," aniya.
Kung matatandaan, noong magdiwang ng kaarawan si Kara ay nag-viral ang kanyang wish na sana'y mamatay na ang lahat ng kurakot sa gobyerno.
The post Kara David biktima ng fake news, wish kay 'San Pedro' kasinungalingan appeared first on Bandera.

No comments: