BREAKING NEWS

AJ Raval muling ibinandera wagas na pag-ibig kay Aljur sa pagpasok ng 2026

AJ Raval muling ibinandera wagas na pag-ibig kay Aljur sa pagpasok ng 2026
Aljur Abrenica at AJ Raval

IPINAGSIGAWAN uli ng dating Vivamax Queen na si AJ Raval ang abot-langit na pagmamahal para kay Aljur Abrenica sa pagpasok ng Bagong Taon.

Sa unang araw ng 2026, nagbahagi ng  isang appreciation message si AJ para sa tatay ng kanyang mga anak sa pamamagitan ng Instagram.

Nag-post ang sexy actress ng mga litrato at video sa IG na naglalaman ng mga sweet at bonding moments nila ni Aljur na kuha noong 2025.

Makikita rin dito ang mga maiikling mensahe niya para sa karelasyong hunk actor tulad ng, "Well, I'm a lucky woman," "& I just gotta tell him that I love him endlessly," "because love grows," "where his rosemary goes," "& nobody knows like me."

Ang mababasa naman sa kanyang caption, "Not everything needs explaining. Just appreciation. Thank you Aljur."

Iba't iba ang naging comments ng mga netizen sa IG post ni AJ, may mga positive at meron ding negative, tulad ng isang nagsabi na "kabit" pa rin daw ang dating sexy star dahil until now ay kasal pa rin si Aljur sa estranged wife nitong si Kylie Padilla.

Narito ang ilang reaksyon ng IG users sa appreciation post ni AJ kay Aljur.

"Masakit lang isipin na iniwan ang dalawang anak para lang din sa iba na may baby na sa una."

"Talagang ganun po ANG buhay pinag tagpo pero HND tinadhana."

"God have a purpose everything kaya move on nalang po sila ngang involved ay naka move on na masaya SA kanya kanyang buhay."

"Nauna pa mka move on si Kylie kesa s mga bashers ni Aj."

"Take note si kylie mismo ang nagsabi na hndi si Aj ang third party sa pghihiwalay,basa basa rin ang mga bashers, hndi yung kabilis ninyo mag judge."

"Puro kayo Aljur is still married. Matagal na nga silang hiwalay bago pa man pumasok si AJ sa buhay ni Aljur. Sabi nga ni Kylie, hindi si AJ ang dahilan bat sila naghiwalay."

"Matagal na silang hiwalay at sadjang matagal lang din tlaga ang proseso ng annulment dito sa Pinas uubosin lahat ng pera mo sa case."

Matatandaang inamin ni AJ sa "Fast Talk With Boy Abunda" last November na may lima na siyang anak, ang unang dalawa ay mula sa dati niyang partner at ang atlo ay anak nila ni AJ at Aljur na sina Alkina, Aljur Jr., at Abraham.

The post AJ Raval muling ibinandera wagas na pag-ibig kay Aljur sa pagpasok ng 2026 appeared first on Bandera.


AJ Raval muling ibinandera wagas na pag-ibig kay Aljur sa pagpasok ng 2026 AJ Raval muling ibinandera wagas na pag-ibig kay Aljur sa pagpasok ng 2026 Reviewed by pinoyako on January 02, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close