Pokwang game pa ring magkadyowa uli kahit niloko na: God, bahala ka na!

SINGLE na single pa rin ngayon ang Kapuso TV host-comedienne na si Pokwang makalipas ang halos limang taon mula nang maghiwalay sila ni Lee O'Brian.
Bukod sa kanyang trabaho bilang artista at sa pag-aasikaso sa kanyang food business, ine-enjoy pa rin ngayon ng komedyana ang pagiging single working mom sa anak nila ni Lee na si Malia.
Pero ang tanong, bukas pa ba ang kanyang puso na muling umibig ngayong 2026 at pumasok sa panibago at seryosong relasyon?
Sa pagbisita ni Pokwang sa "Fast Talk with Boy Abunda", tinanong siya ni Tito Boy tungkol sa naging buhay niya sa nagdaang 2025.
"2025 is a roller coaster ride. Wow!" ang sagot ni Pokey sabay sabing, feeling daw niya ay malas siya sa pag-ibig noong nakaraang taon.
"Pag-ibig pa rin. Wala pa rin. Wala pa ring kinabang," ang chika ni Pokwang.
Sundot na tanong sa kanya ng King of Talk kung ayaw na ba niyang magmahal at magkadyowa uli.
Sagot ng Kapuso star, "Dati lagi kong sinasabi 'yan. 'Ayoko na, ayoko na.' Pero sabi ko, parang ang unfair naman, 'di ba? Hayaan na lang natin.
"So sabi ko 'God, bahala ka na. Kung alam mong para sa akin at galing sa 'yo, perfect 'yun," ang sey pa ng komedyana.
Ang huling nakarelasyon nga ni Pokwang ay ang dati niyang ka-live in at tatay ng anak niyang si Malia na si Lee O'Brian na nakahiwalay niya noong December, 2021.
Pahayag ni Pokwang noon tungkol sa breakup nila ni Lee, "Oo naghiwalay kami pero marami akong binigay na chance. Marami akong signal na binigay sa kaniya na 'please, ayusin mo naman ito para kay Malia.'
"Parang nawala na 'yung respeto. Bago pa mangyari 'yung confrotation sa negosyo, 'di na kami nag-uusap. We don't exist to each other. Nagsasalubong kami sa hagdan, parang wala. Parang nabalewala 'yung mga sinacrifice ko.
"Feeling ko hindi niya ako minahal talaga. Feeling ko nagkaanak lang kami pero dahil nandiyan na 'yan (Malia)," ani Pokwang.
Pero proud namang ibinalita ni Pokwang na wala man siyang dyowa ngayon ay sumasakses naman ang kanyang food business.
"Pero sa negosyo, in fairness, ang aking negosyo. In fairness, Tito Boy, beautiful problem 'yung aking negosyo. Kasi wala na po ako maitinda kasi nasa sold out agad," pagmamalaki pa ni Pokey.
The post Pokwang game pa ring magkadyowa uli kahit niloko na: God, bahala ka na! appeared first on Bandera.

No comments: