Tom Rodriguez nang manalong best supporting actor sa MMFF 2025: I was in shock!

HANGGANG ngayon ay nasa cloud 9 pa rin ang Kapuso actor na si Tom Rodriguez matapos tanghaling Best Supporting Actor sa Metro Manila Film Festival 2025.
Kinilala ang husay ni Tom sa Gabi ng Parangal ng 51st MMFF Gabi ng Parangal para sa pelikulang "UnMarry" na pinagbibidahan din nina Angelica Panganiban at Zanjoe Marudo.
Ayon sa Kapuso star, hindi siyang nag-expect ng award nang dumalo siya sa awards night na ginanap last December 27, para sa pagganap niya bilang si Stephen sa "UnMarry."
"I was in shock. No, I didn't expect at all to be nominated or anything. Sinabi lang nila, we're here to support Metro Manila Film Festival and support of course the whole cast was gonna be here.
"So nu'ng tinawag 'yung pangalan ko sa nominees, then I was like, 'What?!'" ang pahayag ni Tom sa ulat ng "Balitanghali."
Feeling thankful and grateful ang aktor sa lahat ng mga nanood sa kanilang entry pati na rin sa iba pang pelikula na kasali sa MMFF this year.
"It's nice na people are investing. Kasi let's be honest, madaling ma-spoil, nandiyan na, very accessible 'yung entertainment.
"Feel ko talaga sining 'yung kaluluwa ng mamamayang Pilipino kaya dapat binubuhay natin. It's nice na mas pina-prioritize na natin ngayon with programs such as these Metro Manila Film Festival. Na talagang inuuna natin 'yung sariling atin," saad pa ni Tom.
Hindi nakasama ni Tom sa MMFF Gabi ng Parangal ang kanyang asawa at anak pero napanood naman daw ng mga ito ang kanyang pagkapanalo.
"My son was asleep but he woke up when my wife shouted. 'Yan, nanonood siya sa live stream. Pag-upo ko, may message na siya na congratulations kaagad. Kaya this is for them," aniya.
"I'm happy that the jurors also saw that, that it was just a role. Na 'yun nga, that they were able to separate Tom from Stephen. For them to recognize it, kaya I'm so thankful," sey pa ni Tom na napapanood din ngayon bilang kontrabida rin sa "Encantadia Chronicles: Sang'gre" bilang si Gargan.
The post Tom Rodriguez nang manalong best supporting actor sa MMFF 2025: I was in shock! appeared first on Bandera.

No comments: