BREAKING NEWS

Vico Sotto, Bam Aquino itinanghal na ‘Level Up People of the Year 2025’

Bam Aquino, Vico Sotto itinanghal na 'Level Up People of the Year 2025'
Vico Sotto at Bam Aquino

ITINANGHAL na 'Level Up People of the Year 2025' sina Sen. Bam Aquino at Pasig City Mayor Vico Sotto.

Ito'y dahil sa kanilang hindi matitinag na paninindigan para sa transparency, integridad, at mabuting pamamahala.

Ayon sa talent manager na si Noel Ferrer, host ng online show na "Level Up", karapat-dapat ang dalawang public servant sa naturang pagkilala.

"In a year where leadership is often defined by words, Mayor Vico Sotto and Senator Bam Aquino stand out for turning actions into tangible progress. 

"These two leaders have shown Filipinos what it means to serve with integrity and courage, making them deserving of being the Level Up People of the Year 2025," ang pahayag ni Noel.

Pinuri niya si Sen. Bam, na pumangalawa sa 2025 senatorial race, sa kanyang matibay na koneksyon sa kabataan at sa kanyang pagtutok sa makabuluhang reporma sa pamamagitan ng mga batas tulad ng Blockchain the Budget Act.

"With a campaign fueled by young voters, he translated that momentum into impactful legislation. 

"From pushing for educational reforms to championing the Blockchain Act, Bam underscored transparency in government and paved the way for innovations that benefit everyday Filipinos," lahad ni Noel.

Aniya, ang pagtutok ni Sen. Bam sa pagbibigay-kapangyarihan sa kabataan at sa mabuting pamamahala ang dahilan kung bakit siya maituturing na lider ng kanyang henerasyon.

Pinatunayan naman daw ni Mayor Vico na ang pananagutan ay isang makapangyarihang kasangkapan para sa pagbabago matapos ilantad ng Mayor ang malawakang katiwalian na inuugnay sa mga kontrobersyal na contractor na sina Sarah at Curlee Discaya.

Nauwi ang hakbang na ito ni Mayor Vico sa malawakang imbestigasyon sa isa sa pinakamalalaking iskandalo ng korupsiyon sa Pilipinas.

"His (Vico's) bold move didn't just highlight his commitment to clean governance— it showed citizens that transparency can lead to real justice. Through his actions, Vico has become a symbol of hope for those fighting against graft and corruption," saad pa ng online show host at talent manager.

Binigyang-diin ni Noel na ang mga ambag nina Mayor Vicor at Sen. Bam ay higit pa sa pulitika, dahil hinihikayat nila ang buong bansa na manindigan para sa pananagutan, yakapin ang transparency, at maniwala sa kapangyarihan ng progresibong pagbabago.

"For their relentless efforts in shaping a better Philippines, they are truly the most inspiring leaders of 2025," aniya pa.

The post Vico Sotto, Bam Aquino itinanghal na 'Level Up People of the Year 2025' appeared first on Bandera.


Vico Sotto, Bam Aquino itinanghal na ‘Level Up People of the Year 2025’ Vico Sotto, Bam Aquino itinanghal na ‘Level Up People of the Year 2025’ Reviewed by pinoyako on December 31, 2025 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close