Faith Da Silva umaming natakot makiisa sa rally kontra korapsyon dahil sa…

TAKOT sumali sa mga rally kontra korapsyon ang Kapuso actress at TV host na si Faith Da Silva pero mas nanaig ang malasakit niya sa mga kapwa Pilipino.
Hinarap at nilabanan ng "Encantadia Chronicles: Sang'gre" ang kanyang kinatatakutan alang-alang sa kapakanan ng bayan.
"Natakot din talaga ako kasi ito 'yung first rally ever na nag-speak out and voice out ako and I was there," ang pahayag ni Faith sa panayam ng "Fast Talk with Boy Abunda".
Sey ni Faith, natakot siyang mawalan ng mga pagkakakitan dahil sa pagsali niya sa kilos-protesta laban sa mga taong sangkot sa maanomalyang flood control projects ng Department of Public Works and Highways (DPWH).
"Siyempre noong una natatakot ako kasi 'yung mga raket, 'yung mga gigs," ang birong sabi pa ng dalaga.
Bukod dito, takot din daw siya sa kaguluhang maaaring mangyari habang ginaganap ang rally. Pero mas naging matimbang pa rin daw ang kanyang ipinaglalaban para sa mga kapwa Pilipino kesa sa kanyang kikitain.
"Kasi usually 'di ba, ang mga nagpo-produce niyan (iba't ibang projects), mga public officials. Kaya ang sabi ko, 'Ay kapag nakita nilang nandito ako baka hindi na ako kuhanin.'
"Pero for a greater cause. I mean, aanuhin ko 'yung kinikita ko na pera na 'yun, kung 'yung mga mamamayan naman doon ay nag-struggle because of that?" lahad ni Faith.
"'Yung takot din sa safety. And I think 'yun din 'yung iniisip ng karamihan. 'Ah hindi na lang ako pupunta kasi baka magkagulo pa, magkasaksakan na diyan, hindi natin alam kung ano ang mangyayari.'
"Pero at this point, kailangan 'yung tapang natin mas mataas siya kaysa roon sa comfort na nararamdaman natin," chika pa ng aktres.
The post Faith Da Silva umaming natakot makiisa sa rally kontra korapsyon dahil sa… appeared first on Bandera.

No comments: