BREAKING NEWS

Rodante Marcoleta sinampahan ng reklamong perjury sa Ombudsman

Rodante Marcoleta sinampahan ng reklamong perjury sa Ombudsman

KINASUHAN ng reklamong perjury sa Office of the Ombudsman ng samahang Kontra Daya si Sen. Rodante Marcoleta kaugnay sa pag-amin umano nito sa isang TV interview na nakatanggap siya ng P112 million donation para sa pangangampanya noong panahon ng eleksyon.

Base sa complaint-affidavit na ipinasa ng Kontra Daya na pinangunahan ng mga abogadong sina Atty. Danilo Arao, Atty. Alexander Lacson, at Dino De Leon sa tanggapan ng Ombudsman nitong Biyernes, December 5, inilahad nila ang tatlong dahilan kaugnay sa mga ebidensya umano ng pag-amin ng senador ng donasyon sa pangangampanya.

Ayon sa grupo, malinaw na nakatanggap si Marcoleta ng mga donadyon ngunit hindi niya ito inilagay sa kanyang Statement of Contributions and Expenditures (SOCE).

Ang naturang pag-amin umano ay naganap sa kanyang interview sa "Sa Ganang Mamamayan."

Baka Bet Mo: Ping Lacson dedma pa rin sa pagmamaktol ni Marcoleta

"On November 7, 2025, the program Sa Ganang Mamamayan, hosted by Gen Subardiaga and Nelson Lubao, aired an interview of Respondent Senator Rodante D. Marcoleta. Respondent appears regularly in the Friday episodes of the program," mababasa sa complaint-affidavit ng Kontra Daya.

Umabot umano sa 19,000 views ang naturang panayam na mapapanood sa YouTube kung saan sinabi ng senador ang pagkakatanggap ng P112 million donation bilang campaign fund noong 2015.

"On November 8, 2025, a clip of the interview was posted on YouTube and has since accumulated more than 19,000 views as of the time of writing of this Complaint. It showed Respondent discussing the source of his PHP 112 million campaign fund for the May 12, 2025 senatorial elections," diin pa nila kay Marcoleta.

Dagdag pa nila, ang senador na rin daw mismo ang nagsabi sa bandang 1:34-2:29 mark sa 3:30 ng naturang video clip na hindi niya raw nailagay ang nasabing halaga ng donasyon dahil baka malantad ang pangalan ng mga nagbigay sa kanya.

"Ngayon kapag naglagay ako ng figure sa contribution, mapipilitan akong magdisclose ng pangalan nila. Alam mo kung bakit? Mayroong kaakibat na kung tawagin ay Deed of Acceptance of Donation. Papaano yun kako, di eh contribution to eh. Hindi sabi nya…," pag-uulit ng Kontra Daya sa sinabi ni Marcoleta.

Maliban sa reklamong perjury, nagpasa din ng complaint-affidavit kaugnay sa Omnibus Election Code sa Commission on Elections (Comelec) ang Kontra Daya laban rin sa senador noong Biyernes, December 5.

"Respondent expressly admitted that he received contributions to run as senator during the midterm elections but willfully chose not to declare the names of his donors, claiming that the donors requested anonymity," base sa naturang counter-affidavit.

Wala pa namang inilalabas na pahayag si Marcoleta kaugnay rito.

Bukas ang BANDERA para sa pahayag ng eenador hinggil sa isyu.

The post Rodante Marcoleta sinampahan ng reklamong perjury sa Ombudsman appeared first on Bandera.


Rodante Marcoleta sinampahan ng reklamong perjury sa Ombudsman Rodante Marcoleta sinampahan ng reklamong perjury sa Ombudsman Reviewed by pinoyako on December 06, 2025 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close