BREAKING NEWS

Panawagan ni PBBM sa 2026: Pagkakaisa para sa Bagong Pilipinas!

Panawagan ni PBBM sa 2026: Pagkakaisa para sa Bagong Pilipinas!
PHOTO: Facebook/Bongbong Marcos

NGAYONG bagong taon, nanawagan si Pangulong Bongbong Marcos ng pagkakaisa ng lahat ng Pilipino.

"Sa pagpasok ng 2026, panahon itong magnilay sa mga pinagdaanan natin at magpatuloy ng may malinaw na direksyon at pag-asa," sey ng Punong Ehekutibo sa kanyang Facebook post.

Sinabi pa niya na kailangan ang pagtutulungan ng lahat para maabot ang adhikain ng Bagong Pilipinas para sa maunlad na Pilipinas at mga Pilipino.

Baka Bet Mo: 48% Pinoy hindi nasisiyahan sa pamumuno ni Bongbong Marcos –Pulse Asia

Ipinaalala niya na ang pag-unlad ay nag-uugat sa pagkakaisa.

 "Marami pa tayong kayang marating kung mananatili tayong nagkakaisa," aniya.

<iframe src="https://www.facebook.com/plugins/post.php?href=https%3A%2F%2Fwww.facebook.com%2FBongbongMarcos%2Fposts%2Fpfbid02UmSwWDKG3xiYgD4vj8sdQLuFmebWAxuHQf1JUfJaD64uAUadJ6tg9A9RMiD23bPXl&show_text=true&width=500" width="500" height="692" style="border:none;overflow:hidden" scrolling="no" frameborder="0" allowfullscreen="true" allow="autoplay; clipboard-write; encrypted-media; picture-in-picture; web-share"></iframe>

Tiniyak din ng Punong Ehekutibo na magpapatuloy ang mga pagbabago at hinimok niya ang lahat na harapin ang bagong taon na may disiplina, kumpiyansa at iisang layon ng pag-unlad.

The post Panawagan ni PBBM sa 2026: Pagkakaisa para sa Bagong Pilipinas! appeared first on Bandera.


Panawagan ni PBBM sa 2026: Pagkakaisa para sa Bagong Pilipinas! Panawagan ni PBBM sa 2026: Pagkakaisa para sa Bagong Pilipinas! Reviewed by pinoyako on December 31, 2025 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close