BREAKING NEWS

2025 naging mapaghamon sa Senado, naitama naman ang mga mali – Sotto

2025 naging mapaghamon sa Senado, naitama naman ang mga mali – Sotto
Tito Sotto

SINABI ni Senate President Vicente "Tito" Sotto III na naging mapaghamon ang nakalipas na taon para sa Senado.

Ayon kay Sotto, ilan lamang sa mga hinarap na hamon ng Senado ang naudlot na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte at ang nabunyag na mga diumano'y maanomalyang flood-control projects.

Ngunit sa kabila ng mga hamon, noong nakaraang taon din nagkaroon ng pagkakataon upang maitama ang mga mali at naging daan ito upang makabuo at masunod ang bagong pamantayan sa pagbalangkas sa pambansang pondo.

Aniya tiniyak niya na sa kauna-unahang pagkakataon ay naging bukas sa pagsusuri at malayang partisipasyon sa pagbalangkas ng pambansang pondo.

Binanggit din niya na kakaibang karanasan na muling pamunuan amg Senado mula sa pagiging minority leader nang magbukas ang 20th Congress.

"With the guidance of the Lord our God, may we able to continue to serve the public with utmost sincerity and honesty in 2026," sabi pa ni Sotto.

The post 2025 naging mapaghamon sa Senado, naitama naman ang mga mali – Sotto appeared first on Bandera.


2025 naging mapaghamon sa Senado, naitama naman ang mga mali – Sotto 2025 naging mapaghamon sa Senado, naitama naman ang mga mali – Sotto Reviewed by pinoyako on December 31, 2025 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close