BREAKING NEWS

Maja Salvador, Rambo Nuñez ibinandera na ang itsura ng anak nilang si Maria

Maja Salvador, Rambo Nuñez ibinandera na ang itsura ng anak nilang si Maria
Maja Salvador, Rambo Nuñez at Maria Nuñez

FINALLY, ipinakita na ng mag-asawang Maja Salvador at Rambo Nuñez sa publiko ang mukha ng kanilang anak na si Maria.

Ito ang kauna-unahang pagkakataon na ipinost ng aktres sa social media ang itsura ng panganay nila ni Rambo mula nang ipanganak ito noong June, 2024.

Never nag-share sina Maja at Rambo ng picture ng kanilang anak na kita ang mukha simula nang isilang ito. Kapag nag-post ang mag-asawa sa social media ay palaging nakatalikod o may takip ang mukha.

Ibinahagi ni Maja sa kanyang Instagram page ang litrato ni Maria kalakip ang kanyang mensahe kung saan tinawag pa niyang greatest and biggest blessing na kanyang natanggap.

"To our Maria, posting this one and only photo para ipakita namin sa buong mundo kung gaano kami ka proud sa pinakamalaking blessing na natanggap namin," simulang caption ng actress-dancer.

"Pangako ni Mama and Dada na proprotektahan ka namin at ang privacy mo kahit anong mangyari anak. So when the time comes may choice ka kung paano mo gusto makilala ng mga tao," aniya pa.

"We love you much anak!"

Bumuhos naman ang magagandang comments mula sa netizens sa IG post ni Maja.

"Kaguwapa!"

"So cute!"

"Napaka kyutiee!!! Manang mana sa Mommy!!!"

"Hello Baby Maria. Apakaganda mong bata!"

"Oh ano ung mga nagcocomment ng negative jan??? Grabe jusko!!! baka dpa nila maintindihan caption mo Ms. Maja… napaka gandang bata."

"Yown oh pinakahihintay ng lahatttt sooo cutie nman pala eh anyway happy new year baby maria."

The post Maja Salvador, Rambo Nuñez ibinandera na ang itsura ng anak nilang si Maria appeared first on Bandera.


Maja Salvador, Rambo Nuñez ibinandera na ang itsura ng anak nilang si Maria Maja Salvador, Rambo Nuñez ibinandera na ang itsura ng anak nilang si Maria Reviewed by pinoyako on December 31, 2025 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close