BREAKING NEWS

New Year toll hike ikakasa sa SLEX, STAR Tollway

New Year toll hike ikakasa sa SLEX, STAR Tollway
INQUIRER file photo

SIMULA sa darating na Huwebes, January 1, tataas ang babayaran ng mga motorista sa pagdaan sa kahabaan ng South Luzon Expressway (SLEX).

Ayon sa Toll Regulatory Board (TRB), mula P10 hanggang P31 ang madadagdag sa sinisingil na toll mula sa bahagi ng SLEX sa Alabang sa Muntinlupa City hanggang Calamba City o vice versa depende sa uri ng sasakyan.

Samantala, P3 hanggang P8 naman ang dagdag-singil mula Calamba City sa Laguna hanggang Sto. Tomas sa Batangas.

Baka Bet Mo: Pokwang humugot: Ah, kapag nakapatay doon lang ma-revoke ang lisensya for life

Tataas naman ng P5 hanggang P14 ang pagdaan sa Southern Tagalog Arterial Road (STAR) Tollway mula Sto. Tomas hanggang Lipa City.

Dagdag na P4 hanggang P12 ang sisingilin sa mga motorista na bibiyahe mula Lipa City hanggang Batangas City at vice versa.

Ayon sa SMC SLEX Inc., ang operator ng SLEX, ang dagdag singil ay para sa mas maayos na serbisyo at kondsiyon ng nabanggit na expressway.

The post New Year toll hike ikakasa sa SLEX, STAR Tollway appeared first on Bandera.


New Year toll hike ikakasa sa SLEX, STAR Tollway New Year toll hike ikakasa sa SLEX, STAR Tollway Reviewed by pinoyako on December 28, 2025 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close