Ama ni Meghan Markle nag-agaw buhay, na-ICU sa Cebu matapos ang surgery

NASA intensive care unit (ICU) ng isang ospital sa Pilipinas si Thomas Markle, ang estranged father ni Meghan Markle, matapos sumailalim sa isang emergency surgery.
Ayon sa ulat, lumipat si Thomas sa Cebu kasama ang kanyang anak na si Thomas Jr. noong Martes, December 2, diumano'y naging malubha ang kalagayan ng ama kaya't agad siyang dinala sa ospital ng anak.
"I took dad to a hospital close to our home and they did various scans and the doctors said his life was in imminent danger," sey ni Thomas Jr. sa British media outlet na Daily Mail.
Dagdag pa niya, "They raced us by ambulance, with the sirens going, to a much bigger hospital in the center of the city. My dad has undergone emergency surgery."
Baka Bet Mo: Ama, utol ni Meghan Markle nasa Pinas, nakatira sa apartment sa Cebu, anyare?
Sinabi rin sa mga balita na umabot ng tatlong oras ang operasyon ni Thomas.
Hindi pa rito nagtatapos ang gamutan, dahil kailangan pa raw itong sumailalim sa isa pang procedure upang tanggalin ang blood clot.
"I would ask everyone around the world to keep him in their thoughts," panawagan pa ni Thomas Jr.
Matatandaang dumaan si Thomas sa ilang seryosong problema sa kalusugan sa mga nakaraang taon, kabilang na ang dalawang heart attack at isang major stroke noong 2022.
Naging usap-usapan din si Thomas noong Oktubre nang tanggihan niya ang mga alegasyon na iniwan siyang nag-iisa matapos ang magnitude 6.9 na lindol na yumanig sa Cebu.
Simula pa noong 2018, hindi na magkasundo sina Thomas at Meghan.
Ang nabanggit na taon din 'yung naging kasal ng Hollywood actress kay Prince Harry, anak ng Hari ng Britain na si Charles III at ng yumaong Princess Diana.
May mga chika rin na lumipat sina Thomas at Thomas Jr. sa Pilipinas nitong Mayo lamang.
The post Ama ni Meghan Markle nag-agaw buhay, na-ICU sa Cebu matapos ang surgery appeared first on Bandera.

No comments: