Piolo Pascual sa Death Penalty: ‘Let the judges decide, may takot dapat ang tao’

BILANG matinong police officer sa "Manila's Finest," isa sa mga pelikula na entry sa Metro Manila Film Festival (MMFF) 2025, naitanong si Piolo Pascual kung pabor siyang ibalik ang death penalty sa panahon ngayon na maraming nangyayaring krimen at anomalya sa gobyerno.
Natawa ang aktor at sabay sabing, "Grabe naman 'yun! Magandang gabi po sa inyong lahat. Ang hirap namang sagutin no'n! Kaya nga ako nag-artista, eh. Paano ba sagutin 'yun?"
Nagkatawanan din ang lahat ng nasa New Frontier Theater, kung saan ginanap ang mediacon ng pelikula dahil hindi ito expected na itatanong sa aktor.
Tuloy ni Piolo, "It's hard kung gaano kalaki 'yung crime o kasalanan, let the people in position or judge ang hirap, eh. It's a crime against humanity kailangan may karampatang penalty 'yun pareho lang, 'di ba? An eye for a eye, a tooth for a tooth, biblically ganu'n din 'yan.
Baka Bet Mo: Piolo Pascual sa mga korap: Wag n'yo nang nakawan yung naghihirap na!
"But in the recent times hindi ko alam kung paanong dapat takutin pa 'yung mga tao na huwag gumawa ng masama to avoid that but I think they're really should come a time na magkaroon ng takot ang tao, so, if that would have come to that, we'll just abide by that personally wala naman akong take kung anuman talaga 'yung desisyon na makakaganda sa mga tao," paliwanag ni Papa P.
Base sa trailer ng "Manila's Finest," dalawa lang sina Piolo at Enrique Gil ang matinong pulis sa departamento nila at marami silang alam na ginagawa ng kasamahan nila na kapag nangialam sila ay tiyak na may mangyayaring hindi maganda.Balik-tanong sa aktor kung may kinatatakutan ba siya in general o biggest fear niya sa buhay.
"Siguro 'yung political unrest na nangyayari sa paligid natin and if may I quote when Quen and I did an interview, we were shown this clippings back in the '60s, there was a lot of riots and fast forward to now it's still happening and mas nagkakaroon pa ng mas malaking pag-aalsa 'yung mga tao (and) you know it's getting worse and I think kailangan talagang magkaroon ng step and it's not just among us but sa government it's really the system, bottom line naman dito ang sistema ang problema.'Yun lang ang kinatatakuhan ko na walang accountability sa bansa natin expecially sa society natin," pahayag ni Piolo.
Mahirap talagang sugpuin ang katiwalain nakasanayan na ng lahat at hindi ito kakayanin ng mga bagong pasok para itama o sugpuin ito dahil bukas makalawa ay baka pinagkukuwentuhan na lang sila.
Anyway, muling bubuhayin ang magandang alaala ng magagaling, mahuhusay at may mga magagaspang din pulis na nagpabago sa Maynila noong 1969 sa pamamagitan ng pelikulang "Manila's Finest" na mapapanood ngayong Metro Manila Film Festival 2025 na entry ng MQuest Ventures, Cignal at Spring Films.
Ang upcoming movie ay parehong koponan na nagdala sa mga MMFF headliners na "GomBurZa" at "The Kingdom" mula sa direksyon ni Raymond Red, ang unang Pilipinong nanalo ng prestihiyosong Palme d'Or award sa Cannes Film Festival.
Isinulat ng isang pangkat ng mga kilalang screenwriter na pinamumunuan nina Moira Lang, Michiko Yamamoto, at Sherad Sanchez, ang pelikula ay nagsasalaysay ng kuwento ni Capt. Homer Magtibay (Piolo) at ng kanyang pinagkakatiwalaang partner na si 1st Lt. Billy Ojeda (Enrique), habang nilalakaran nila ang mga hamon ng paglilingkod sa Manila Police District sa isang mahalagang panahon.
Ang mga opisyal na ito ay nahaharap sa mga krimen na sumusubok sa kanilang katapatan, katapangan, at buklod ng kapatiran na tumutukoy sa kanila.
Higit pa sa drama ng pulisya, tinutuklasan din ng "Manila's Finest" ang mga sakripisyong ginawa para sa pamilya at mga kaibigan at mga moral na pagpili na humuhubog sa isang lungsod na nagpupumilit na hawakan ang pagkakakilanlan nito.
"Kami ay ipinagmamalaki at nasasabik na itanghal ang Manila's Finest bilang MQuest Ventures' entry sa Manila Film Festival ngayong taon.
"Ito ay isang cinematic masterpiece na binigyang buhay ng henyo ng direktor na si Raymond Red. Kami ay kumpiyansa na ang Manila's Finest ay makakatunog nang malalim sa mga Pilipinong manonood ng pelikula ngayong Pasko," sey ni MQuest Ventures President Jane Jimenez-Basas.
Bukod kina Piolo at Enrique ay kasama rin sa pelikula sina Cedrick Juan, Rico Blanco, Ariel Rivera, Romnick Sarmenta, Rica Peralejo-Bonifacio, Jasmine Curtis-Smith, Kiko Estrada, Paulo Angeles, Ashtine Olviga, Ethan David, Dylan Menor, Pearl G. at Joey Marquez.
Sambit ni direk Raymond, "Nais naming makuha ang Maynila sa isang mahalagang sandali—maganda, sugatan, at buhay. Ang pelikulang ito ay tungkol sa mga taong patuloy na gumagalaw, kahit na ang lungsod sa paligid nila ay nagbabago."
Nakwento rin ni Piolo ang kanyang karanasan sa paghahanda sa kanyang tungkulin bilang Kapitan Homer Magtibay.
"Pinag-aralan namin ang buhay ng mga opisyal ng pulisya noong 1960s upang i-ground ang kuwento sa katotohanan. Maaaring kathang-isip lang ang mga karakter na ito, ngunit sinasalamin nila ang mga totoong tao sa nakaraan na nagsilbi nang may passion at puso."
The post Piolo Pascual sa Death Penalty: 'Let the judges decide, may takot dapat ang tao' appeared first on Bandera.

No comments: