Eliana Atienza naiyak sa pag-alala kay Emman: Come back, I miss you

HINDI maiwasang maluha ni Eliana Atienxa habang inaalala ang bunsong kapatid na si Emman Atienza.
Sa kanyang panayam kay Vicky Morales na umere sa "24 Oras" nitong Lunes, November 3, muli niyang binalikan ang memories kasama ang bunso.
"She's hilarious. She has a much better fashion sense than I have, so I would always go to her and say 'Emman, I don't know what to wear, could you dress me?' She would always do it. She would make me laugh," pagbabahagi ni Eliana.
Aniya, ang favorite memory niya kasama ang kapatid ay kapag inilalabas nila ang ulo sa bintana ng sasakyan kapag sila'y nagro-roadtrip.
Baka Bet Mo: Eliana Atienza miss na miss na si Emman: 'Call me soon, okay!'
"We like to stick our heads out of the car window because we like the air. So we would go down like EDSA or OsmeƱa Highway, stick our heads out, both together, and we'd feel the wind on our hair," pag-alala pa ni Eliana.
Sa totoo lang, hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwalang wala na ang kapatid.
"I keep being really sad because we were supposed to grow old together, right? I wish we got to. Come back, I miss you," sabi pa ni Eliana.
The post Eliana Atienza naiyak sa pag-alala kay Emman: Come back, I miss you appeared first on Bandera.

No comments: