Anjo Yllana pinakakasuhan kay Tito Sen: Very personal ang galit! Bitter yarn!?

BINOLDYAK ng mga tagasuporta ni Sen. Tito Sotto pati na ng loyal viewers ng "Eat Bulaga" si Anjo Yllana dahil sa mga pagbabanta nito.
Nag-viral sa social media ang ilang video ni Anjo kung saan lantaran niyang sinabi na may "sindikato" raw sa loob ng "Eat Bulaga" at may "kabit" o mistress umano si Tito Sen.
"Ilang taon na lang eh, ilalatag ko na kung ano talaga nangyari diyan sa 'Eat Bulaga'. Hoy, hindi ako takot sa TVJ, anong pinagsasabi ninyo?" ang matapang na sabi ni Anjo.
"Si (Direk) Bert de Leon mula 1979 ay direktor ng 'Eat Bulaga' bago mamatay, umiiyak sa akin, kasi 'pinagsasaksak' siya sa likod, siniraan siya para matanggal siya bilang director.
Baka Bet Mo: Anjo Yllana hinamon si Tito Sen; Eat Bulaga binarag: Hindi ako takot sa TVJ!
"Pati 'yung asawa niya na naiwan umiiyak sa akin dahil winalanghiya siya. Oo plinano, kaya nga may sindikato diyan, eh sa 'Eat Bulaga', masasama ibang tao diyan," sabi pa ng aktor.
Nitong nagdaang November 3, nag-live uli si Anjo kung saan nabanggit niya ang tungkol sa umano'y isang babae na ikinokonek niya kay Tito Sen.
Sa isang panayam, sinabi ni Tito Sen na ayaw na niyang patulan si Anjo dahil nagpapapansin lang daw ito kasabay ng pakiusap sa media na huwag nang palakihin ang isyu.
"Hindi ko na papatulan. Huwag n'yong pansinin at nagpapapansin 'yan. Pati ba naman showbiz at paninira papatulan natin. Itaas natin ang level ng Senate press," ang pahayag ng senador.
Sa comments section ng artikulo tungkol sa mga rebelasyon ni Anjo na mababasa sa Facebook page ng BANDERA ay ipinagtanggol ng netizens si Tito Sen at ang "Eat Bulaga."
Karamihan sa nagkomento ay nagsabing parang desperado na si Anjo sa kanyang career kaya gumagawa ng ingay. May mga nag-suggest pang kasuhan ni Tito Sen at ng management ng "Eat Bulaga" ang aktor para maturuan ng lesson.
Narito ang ilan sa mga comments ng ating mga ka-BANDERA."Hindi ka namn talaga dapat matakot kahit kanino pero dapat marunong ka rin tumingin kung San ka nanggaling."
"Very personal ang galit. Bakit ?????"
"Bitter, hindi na kasi pinabalik ng eat bulaga."
"Sakali man masabi mo yan anjo makakatulong ba yan sa paghuli ng sangkot sa floodcontrol?ang personal na buhay nang tao nino man wala na tayo pakialam."
"Ang aso pag nauulol kahit ang amo at kaibigan nya kinakagat."
"Wala kc offer work sa knya need niya pera wala, kc balato si tito sotto sa knya sahod."
"Nagagalit si tikboy dahil tinitira ata sya ng mga troll ni bbm sa sinabi nya."
"Kahit marami pa babae involved dito basta sinustentuan at di naghahabol ang babae para akin di pa rin magbabago ang pagtitiwala ko Kay tito sen, basta di lang siya kasama sa flood control sa nawawalang sabungero at di kagaya ni Paulo Contis."
"Hindi daw takot pero ayaw naman mag drop name ng alleged na babae daw."
"He's aiming to run as Senator on 2028, and he proclaimed himself as a certified DDS. Walang masama, but to run as Senator, teka muna, another liability ng gobyerno. Paninira ang ginagawa niya to attract attention kasi nga laos na. May kaso pa to ah, yung about sa schools nila. Ano na kaya nangyari dun? Desperado na si ungrateful banana man."
"Desperado kn talaga lahat gagawin mo mapansin kng kahit ano sasabiin mo lahat tayo may knyang kanyang nakaraan,kaya ano pman sbiin mo tito ay c tito prin mas may nagawa nman cyang mabuti s byan! kaysa iyo."
"Kasuhan na yan para maturuan ng leksyon. Hindi makatarungan ang nila-live niya. Tito Sen sampahana na yan ng cyberlibel!"
The post Anjo Yllana pinakakasuhan kay Tito Sen: Very personal ang galit! Bitter yarn!? appeared first on Bandera.

No comments: