BREAKING NEWS

Sementeryo para sa mga balyena, dolphin matatagpuan sa Bicol

Sementeryo para sa mga balyena, dolphin matatagpuan sa Bicol

HANDA na rin para sa paparating na Undas ang sementeryo para sa mga balyena at dolphin na nasawi sa iba't-ibang rehiyon ng Bicol.

Ang naturang sementeryo ay ang Cetacean Cemetery na matatagpuan sa Fabrica, Bula, Camarines Sur.

Ilan sa mga nakahimlay sa sementeryo ng mga balyena at dolphin ay risso's dolphin, spinner dolphin, fraser's dolphin, dwarf sperm whale, bryde's whale, melon-headed whale, at striped dolphin.

Ayon sa Facebook page ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR)-Bicol karamihan sa mga sanhi ng pagkamatay ng mga ito ay blast fishing, ingestion ng solid waste, entanglement sa mga lambat, at boat strike.

Baka Bet Mo: Undas 2025: Mga celebrity na kabogera sa Halloween costumes!

Para sa mga hindi aware, ang Cetacean Cemetery ay unang itinayo ng Fisheries Regional Emergency Stranding Response Team (FIRST) noong 2013 bilang tugon sa mga insidente ng pagka-stranded at pagkamatay ng mga marine mammals na napapadpad sa mga pampang ng rehiyon.

Maliban sa pagbibigay ng disente ay maayos na himlayan, layon rin ng Cetacean cemetery na paalalahanan ang publiko sa kanilang responsibilidad sa kalikasan pati na rin sa pagbibigay balanse sa marine ecosystem at ang pagpoprotekta sa mga lamang-dagat laban sa mga gawain na maaaring makasama sa kanila.

Makikita rin sa Facebook page ng BFAR-Bicol ay may mga bulaklak at nakatirik na kandila sa puntod ng mga balyena at dolphin.

The post Sementeryo para sa mga balyena, dolphin matatagpuan sa Bicol appeared first on Bandera.


Sementeryo para sa mga balyena, dolphin matatagpuan sa Bicol Sementeryo para sa mga balyena, dolphin matatagpuan sa Bicol Reviewed by pinoyako on October 31, 2025 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close