BREAKING NEWS

Amanda Page nilayasan ang showbiz dahil sa isyu ng sex video: Most painful 

Amanda Page nilayasan ang showbiz dahil sa isyu ng sex video: Most painful 
Amanda Page

ANG kontrobersyal na pagkakasangkot sa isang video scandal ang pinakamasakit at pinakamatinding intriga na naranasan ni Amanda Page sa mundo ng showbiz.

Hindi raw kasi siya nabigyan ng pagkakataong magpaliwanag nang sumambulat sa publiko ang tungkol sa  maselang video.

Sa gueating ng dating aktres at dancer sa "Fast Talk with Boy Abunda" natanong kung bakit siya biglang nag-quit sa showbiz noong 2001 na kasagsagan pa ng kanyang kasikatan.

"Allegedly, I was in a sex video. I think that one was the most painful because I think 'yun 'yung pinaka-ano, because it almost as if like, schadenfreude (natutuwa sa kamalasan ng kapwa) people want to believe the worst about someone," pag-amin ni Amanda.

"And so, I felt like I wasn't even given an opportunity really because it's always like whatever's negative out there is what people will always believe," aniya pa.

Inamin din ng dating aktres na hindi niya nakikita noon ang sarili na magtatagal sa entertainment industry kahit na napakaganda ng takbo ng kanyang career noong 2001.

"Feeling ko, when I was in showbiz, that was never going to be my endgame. I always had a different endgame. The endgame was, I was not going to grow old in showbiz.

"I was not going to stay in showbiz. I always knew going into it that this was just a portion of my life and that I was going to move on," chika pa ni Amanda.

Samantala, may tatlong indibidwal na pinasalamatan ang nagbabalik-Pilipinas na aktres na aniya'y naging malaking bahagi ng kanyang showbiz career.

"First, obviously, Boss Vic (del Rosario) of Viva Films because he gave me my first break. Two, I would have to say Maribeth Bichara because she's been my mentor for so long and I got to do what I love because of her and have fun with what I'm doing," saad ni Amanda.

At ang ikatlo ay ang namayapang Action King na si Fernando Poe Jr., na nakatambal niya sa pelikula, "Third, I would have to say maybe Fernando Poe Jr. 

"I think that I really enjoyed the time I had working with him and the break I got from, you know, just I got to work with him," sabi pa ni Amanda Page.

Napanood si Amanda sa mga pelikulang "Rizal in Dapitan," "Ang Probinsyano" at "Tatsulok." Naging host din siya sa dating musical variety show ng GMA na "SOP" at naging bahagi rin ng "Bubble Gang" at "T.G.I.S." 

The post Amanda Page nilayasan ang showbiz dahil sa isyu ng sex video: Most painful  appeared first on Bandera.


Amanda Page nilayasan ang showbiz dahil sa isyu ng sex video: Most painful  Amanda Page nilayasan ang showbiz dahil sa isyu ng sex video: Most painful  Reviewed by pinoyako on November 22, 2025 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close