BREAKING NEWS

Andrea Brillantes sa manliligaw: Kung nai-intimidate sila, that’s not my fault

Andrea Brillantes sa manliligaw: Kung nai-intimidate sila, that's not my fault
Andrea Brillantes

SINGLE na single ngayon ang Kapamilya actress na si Andrea Brillantes at mukhang hindi pa ito ang tamang panahon para magkadyowa siya uli.

Mukhang hindi natuloy sa isang seryosong relasyon ang pagde-date nila ng Filipino-Jordanian former basketball player na si Sam Fernandez.

Sey ni Andrea, happy naman siya sa pagiging "third wheel" sa kanyang pamilya at malalapit na mga kaibigan, lalo na ngayong holiday season kaya hindi naman daw malamig ang kanyang Pasko.

"Hindi ko priority now (ang pakikipagrelasyon. Sa family, ako na lang wheel. (Walang dyowa) but it is okay, I am happy. Masaya ako," pahayag ni Andrea sa panayam ng ABS-CBN.

Isa raw sa mga quality na hinahanap niya sa isang lalaki ay yung confident at matapang na ipu-push at ipu-pursue ang panliligaw sa kanya kahit na anong mangyari.

"Kung na-intimidate sila, that's not my fault. Kung gusto talaga ako, tapangan nila. Kung hindi, at least ma-short list ko. 

"Tapang tapang ko, dapat mas malakas sa akin," ang hamon ni Andrea sa mga lalaking magtatangkang manligaw sa kanya.

Matatandaang inamin noon ni Andrea na nagde-date sila ni Sam Fernandez pero hindi pa raw sila magdyowa at never pa silang nagkaroon ng serious commitment.

"Sinabi ko naman na open ako sa pag-de-date kasi two years na rin naman akong walang boyfriend. Naloloka ako kasi ang daming nagsasabi na bakit may boyfriend na raw ako agad, I'm just dating.

"I am dating someone right now. He's a private person. And he's also not a basketball player. He used to play. 

"I've known him for a while. We've been friends for many many years," sabi ni Andrea sa isang interview ilang buwan na ngayon ang nakararaan.

So, alam na this! 

The post Andrea Brillantes sa manliligaw: Kung nai-intimidate sila, that's not my fault appeared first on Bandera.


Andrea Brillantes sa manliligaw: Kung nai-intimidate sila, that’s not my fault Andrea Brillantes sa manliligaw: Kung nai-intimidate sila, that’s not my fault Reviewed by pinoyako on November 22, 2025 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close