BREAKING NEWS

Robin Padilla kay Daniel Padilla ipamamana ang ‘Bad Boy’: Natural ang angas!

Robin Padilla kay Daniel Padilla ipamamana ang 'Bad Boy': Natural ang angas!
Daniel Padilla, Vic del Rosario at Robin Padilla

MAPAPANOOD na very soon ng sambayanang Pilipino ang comeback movie ni Sen. Robin Padilla na "Bad Boy 3" mula sa Viva Films.

Masaya at excited na ibinalita ng tinaguriang Bad Boy of Philippine Cinema na tuloy na tuloy na ang pagpapalabas ng part 3 ng kanyang phenomenal hit na "Bad Boy".

Nakachikahan ng BANDERA at ilang piling miyembro ng entertainment media si Sen. Robin sa muli niyang pagpirma ng kontrata sa Viva Films kasama si Boss Vic del Rosario at anak nitong si Vincent del Rosario.

Limang proyekto ang nakapaloob sa naturang kontrata na hindi lamang sa mga sinehan maaaring ipalabas kundi maging sa iba't ibang platforms ng kumpanya, kabilang na ang streaming at free TV.

Isa na nga rito ang "Bad Boy 3" na malapit nang mapanood sa Netflix, pati na ang past movies ni Robin na "Bonifacio, Ang Unang Pangulo," "Sa Ngalan ng Ama," "Ina at Anak," "10,000 Hours," "Turn: My Pledge of Love" at "Alab ng Lahi."

Chika ng manager ng senador na si Betchay Vidanes, nasa drawing board na rin ang "Bad Boy 4", kung saan magkakasama finally ang action star at ang pamangkin niyang si Daniel Padilla.

Yes! Kay Daniel nga ipapasa at ipamamana ni Robin ang titulong "The Bad Boy of Philippine Cinema" kung saan ipinamalas na nito ang pagiging Action Prince sa matagumpay na "Incognito" ng ABS-CBN.

"Kay Daniel ko siyempre gusto pamana. Noong panahon sinasabi ko, in love pa siya, eh. Pag ibig pa priority. Gumawa siya Incognito, may chance na ngayon," sey ni Binoe.

Naniniwala si Robin na karapat-dapat si DJ na tawaging next "Bad Boy", "Natural angas sa kanya. Dapat natural, eh. Kapag inutos lang kasi ng direktor, medyo may kalungkutan yun."

Naikuwento rin niya kung paano ipinamana sa kanya ang naturang titulo at pagbibida sa pelikulang "Bad Boy" pagkatapos itong gampanan ni Ace Vergel.

Ang original "Bad Boy" daw at si Jose Padilla Jr., na napunta kay dating Pangulong Joseph Estrada, na ipinamana naman ni Erap kay Ace Vergel hanggang sa mapunta na kay Robin.

"Hindi ko makakalimutan yun. Hindi ako yung bad boy talaga . Parang nagkaproblema sila ni Boss Vic, ako nilagay na kapalit.  

"Parating ako ng Viva, pagbukas ng gate, nandoon si Alas (palayaw ni Ace), nakatayo inaabangan ako. 

"Paglapit ko, hinarangan ako talaga. Sabi, 'Ikaw ba si Robin Padilla? Pinsan mo ba si Daboy (Rudy Fernandez)? Buti na lang pinsan mo. Sige ikaw na bad boy!'" pagbabahagi ni Binoe.

Aniya pa, "Gusto ko kapag dumating yung panahon, kung sino maging Bad Boy, may eksena na ipapasa ko. Ganu'n yun, di ba?"

The post Robin Padilla kay Daniel Padilla ipamamana ang 'Bad Boy': Natural ang angas! appeared first on Bandera.


Robin Padilla kay Daniel Padilla ipamamana ang ‘Bad Boy’: Natural ang angas! Robin Padilla kay Daniel Padilla ipamamana ang ‘Bad Boy’: Natural ang angas! Reviewed by pinoyako on November 22, 2025 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close