BREAKING NEWS

Roselle Monteverde nahirapan sa pagpili ng cast para sa ‘SRR: Evil Origins’ 

Roselle Monteverde nahirapan sa pagpili ng cast para sa 'SRR: Evil Origins' 
Roselle Monteverde, Keith Monteverde at ang cast members ng 'Shake, Rattle & Roll: Evil Origins'

UNANG bati ng press kay Regal Entertainment President at CEO, Roselle Monteverde ay may sarili silang film festival dahil sa rami ng artistang kasama sa three episodes ng "Shake, Rattle & Roll: Evil Origins."

Oo nga naman, isipin mo sa episode "1775" ay nagsama-sama sina Carla Abellana, Loisa Andalio, Ysabel Ortega, Ashley Ortega, Arlene Muhlach, Monina Lawrene at Ara Mina mula sa direksyon ni Shugo Praico.

Sinundan ng episode "2025" (present day) napinagbibidahan naman nina Francine Diaz, Seth Fedelin, Fyang smith, JM Ibarra, Althea Ablan, Sassa Girl, Karina Bautista, Dylan Yturralde, Arkin Lagman, Alex Calleja at Kaila Estrada na idinirek ni Ian Loreños

At sa "2050" episode naman ay bida sina Richard Gutierrez, Ivana Alawi, Dustin Yu, Matt Lozano, Celyn David, Raven Rigor, Angelica Lao, Shecko Apostol, Sarah Edwards, Maika Rivera at Manilyn Reynes at si Joey de Guzman ang direktor.

Sa tanong kay Ms. Roselle kung gaano ka-challenge ang process ng pagpili ng cast at sa parte ng creatives para mabuo ang tatlong episode ng "SSR: Evil Origins" na inabot daw ng dalawang taon.

Bungad ng Regal President, "Paano nga ba? Mahirap i-achieve, mahirap talaga sa mga napakagaling na cast at nagko-cross sa different generations."

Saka binanggit nito si Manilyn Reynes na bata pa noon ang beteranang aktres, "When she started, she was singing in top of the table in the house of my Mom (Mother Lily Monteverde).

"Natutuwa ako siyempre from the heart ay pinili namin itong mga artista siyempre base rin sa expertise nila at saka 'yung (tanong na), 'saan ba sila bagay? Sino bang babagay sa karakter na to?' So, 'yun ang unang-una naming criteria na magagampanan on point sa characters na ito," aniya.

Say naman ni Atty. Keith ay inabot naman sila ng isang taon para sa pagpili sa mga artista at at swak sa schedules, "All the effort was worth it to bring all these people to the big screen."

Dagdag tanong pa kay Ms. Roselle kung bakit pawang female writers ang napili nilang sumulat ng kuwento – episode 1775, Noreen Capili; sa 2025, si Onay Sales Camero; at 2025 at 2050 ay si Gina Marissa Tagasa.

"Of course the number one criteria is 'horror fan ka ba?" natawang sagot ng lady producer sabay tawag sa content head na si JP Abellera.

"Sobra kaming natutuwa kasi na-acknowledge 'yung creative team at nahirapan talaga kasi kasi when we started developing Shake, Rattle & Roll," sabi ni Ms. Roselle.

"JP mayroon akong isang requirement sa 'yo, dapat gandahan moi to at makapasok kami sa MMFF (2025), so, nag-isip kasama ko sina Noreen, Onay at Manay Gina at 'yung expertise nila as writers.  Lahat sila mahilig sa horrors, so, we mind their expertise, ginamit namin lahat 'yung mga nabasa nilang libro at ano ang kuwento, to create a story from 1775 to 2050

"And as the directors po ay hinanap talaga namin kung sino ang hinanap talaga namin ang best directors who can tell a story (like) super natural horror, si Shugo Praigo po 'yun, sinong magaling sa casual film, si Joey de Guzman po 'yun at sinong magaling sa survival horror si Ian Lorenos 'yun. So, we made sure na 'yung combinations ng directors and writers would be the perfect match for this movie."

At naging tradisyon na nga ang "SRR" kaya lagi pa rin itong inaabangan ng lahat lalo na 'yung mga kabataan noon sa panahong nagsimula ang movie franchise.

Sabi nga ni Ms. Roselle, "Ang tradisyon ng Shake (Rattle & Roll) is always excellent. Yan ang aming tradisyon for SSR, every year or some years na hindi kami nakapag-produce ng Shake kasi wala pa kaming naisip na konsepto (natawa). 

"Sa totoo lang mahirap talagang makaisip ng konsepto, makabuo ng Shake, Rattle & Roll. Ngayong taon ay sinimulan namin ang pagbuo nito maybe I would say two years ago.

"So, from brainstorming napag-usapan namin kung ano ang takbo ng Shake at ito nan ga ang past (1775), present (2025) and future (2050) at ano pa ba ang puwede nating maibigay para maiba ang Shake?  Gawin nating connected, so, ito 'yun. Hindi kayo puwedeng umalis ng sinehan na hindi ninyo napapanood ang una o napapanood ang dulo o napanood ang gitna.

"Kaya ang excellence rin na ina-achieve rito ay sa production value, sa technical aspecs, sa story-telling, siyempre sa aming mga direktor na magagaling, sa design (production), at pati sa mga artista," sabi pa ni Ms. Roselle.

The post Roselle Monteverde nahirapan sa pagpili ng cast para sa 'SRR: Evil Origins'  appeared first on Bandera.


Roselle Monteverde nahirapan sa pagpili ng cast para sa ‘SRR: Evil Origins’  Roselle Monteverde nahirapan sa pagpili ng cast para sa ‘SRR: Evil Origins’  Reviewed by pinoyako on November 22, 2025 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close