BREAKING NEWS

Carla Abellana type maging serial killer; Richard, Manilyn ‘takot’ sa taong evil

Carla Abellana type maging serial killer; Richard, Manilyn 'takot' sa taong evil
Roselle Monteverde, Keith Monteverde, Carla Abellana, Richard Gutierrez, Manilyn Reynes at ang iba pang cast members ng 'Shake, Rattle & Roll: Evil Origins'

SERIAL killer ang nasambit ni Carla Abellana nang tanungin kung anong horrifying character ang gusto niyang gampanan sakaling gagawa uli siya ng "Shake, Rattle and Roll".

Madre ang karakter ng aktres sa "Shake, Rattle & Roll: Evil Origins" na isa sa mga official entry sa Metro Manila Film Festival 2025 na magsisimula sa December 25.

Dito magtutulung-tulong sila ng kapwa niya madre na sina Arlene Muhlach, Loisa Andalio, Ysabel Ortega, Ashley Ortega at Janice de Belen (madre superyora) para labanan ang evil forces.

Ito ang  first episode ng "SSR: Evil Origins" titled "1775" mula sa direksyon ni Shugo Praico at isinulat ni Noreen Capili.

Going back to Carla ay mabait siya sa "1775" kaya kapag binaligtad ang karakter niya ay gusto niyang maging mamamatay tao dahil, "Mahilig po ako sa psychological thriller, siguro po isa sa mga famous serial killer mala-Ted Bundy (nahatulan ng silya electrika noong Enero 24, 1989, Florida State Prison)."

For the record, hindi na bago si Carla sa "Shake, Rattle & Roll" dahil napasama na siya sa "SRR12: Punerarya" episode noong 2010 mula sa direksyon ni Jerrold Tarog kaya naman ang saya ng aktres dahil pagkalipas ng 15 years ay heto at muli siyang napasama sa iconic na pelikula ng Regal Entertainment.

Samantala, natanong sina Manilyn Reynes, Richard Gutierrez at Carla kung kanino sila mas takot, sa evil spirits o sa evil na tao at naging biktima na ba sila ng evil na tao at paano nila ito hinarap.

"Mas takot ako sa tao, evil na mga tao kasi ang dami po nila sa paligid, saka 'di po sila nakukuha sa dasal. Medyo mahaba po ang buhay. Parang masasamang damo. Kung sino pa 'yung mababait, sila pa ang nauuna.

"Then sabi nila kung (kanino mas takot) between tao o multo, mas matakot po tayo sa tao siyempre kasi sila po 'yung may capability na saktan talaga tayo nang husto either way evil entity yan or human being ang katapat po ay pananampalataya, Diyos na po ang bahala sa kanila and thankfully naman honestly, evil is everywhere.

"Sa totoo lang po, sa dami ng nangyayari ngayon sa mundo, sa mga taong walang integrity, sa mga magnanakaw, sa mga korap, napakarami pong entities around us, thankfully, personally po wala naman po (bumiktima) sa akin at mayroon tayong Lord kaya meron tayong armas."

Bukod kina Carla, Arlene, Loisa, Ysabel, Ashley, at Janice ay kasama rin sa "1775" episode sina Elijah Alejo, Monina Lawrence at Ara Mina.

Mapapanood na ang "Shake, Rattle & Roll: The Evil Origins" sa 51st MMFF simula sa December 25, mula sa Regal Entertainment headed by Roselle Monteverde, President at Chief Executive Officer kasama ang anak na si Atty. Keith Monteverde, Executive Producer at Executive Vice President.

The post Carla Abellana type maging serial killer; Richard, Manilyn 'takot' sa taong evil appeared first on Bandera.


Carla Abellana type maging serial killer; Richard, Manilyn ‘takot’ sa taong evil Carla Abellana type maging serial killer; Richard, Manilyn ‘takot’ sa taong evil Reviewed by pinoyako on November 22, 2025 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close