‘Rodrigo Duterte natagpuang walang malay sa kulungan’ – FAKE NEWS!

KUMALAT sa social media ang balitang nadiskubreng walang malay ang dating Pangulong Rodrigo Duterte sa loob ng detention facility ng International Criminal Court (ICC) sa The Hague, Netherlands.
Ito ang dahilan kaya nag-alala ang mga tagasuporta ni Duterte sa kalagayan nito sa loob ng kulungan sa ICC.
Ngunit agad na pinabulaanan ni Atty. Nicholas Kaufman, ang lead counsel ni Duterte, ang mga naglabasang post online na natagpuang unconscious o walang malay ang dating presidente.
Sa pamamagitan ng isang video na ipinost sa Facebook page na "Alvin and Tourism" at sa FB account ng "PDP-Laban," nilinaw ni Kaufman na fake news ang naturang impormasyon.
Nakausap daw niya mismo si Duterte at kalmadong naghihintay sa ilalabas na desisyon ng ICC Appeals Chamber kaugnay ng kahilingan nila para sa pansamantalang paglaya.
Sabi ni Kaufman, "I would like to state, in no uncertain terms, that the information circulating on the internet suggesting that Former President Duterte was found unconscious in his cell this morning is totally untrue."
"I have just spoken to him and he is stoically awaiting the judgment of the ICC Appeals Chamber on the matter of interim release," sabi pa ng abogado.
Sa Biyernes, November 28, inaasahan ang paglabas ng desisyon ng ICC kaugnay ng kanyang interim release.
The post 'Rodrigo Duterte natagpuang walang malay sa kulungan' – FAKE NEWS! appeared first on Bandera.

No comments: