Slater Young walang Rolls Royce tulad ni Discaya, pero may payong sa kotse

DIRETSAHANG sinagot ng engineer at "Pinoy Big Brother: Unlimited" Big Winner na si Slater Young ang tanong kung kumita rin ba siya sa mga maanomalyang government projects.
May mga netizen kasing lantarang nagpo-post sa social media tungkol kay Slater at nag-uusisa kung government contractor din siya ng mga ghost flood-control projects.
Ipinost ng dating Kapamilya actor sa kanyang Instagram story ang screenshot ng naging comment ng isang netizen hinggil sa isyu ng malawakang korapsyon sa gobyerno.
"Did u also benefit from Filipino people's tax money? I am disappointed," ang tanong ng naturang netizen.
Sagot sa kanya ni Slater, "I do not have any government projects."
Paliwanag pa ng PBB Big Winner, dalawang dekada na siya sa construction business pero hanggang ngayon ay wala pa siyang pag-aari na luxury car tulad ng Rolls Royce.
Bukod dito, may payong din naman daw siya pero hindi ito galing sa anumang uri ng biniling sasakyan kundi giveaway ng bangko.
"The umbrella in my car was only a give away from a bank. Don't me," ang sey pa ni Slater.
Obviously, ang tinutukoy ni Slater ay ang pag-amin ng negosyanteng si Sarah Discaya na humarap sa Senate hearing kahapon kaugnay ng pagkakasangkot niya sa kinukuwestiyong flood control projects ng Department of Public Works and Highways (DPWH).
Iniimbestigahan ito ngayon ng Senado upang matukoy ang mga politiko, government contractors at mga tauhan ng DPWH na sangkot sa mga "ghost" projects ng ahensiya na siyang itinuturong dahilan ng tumitinding pagbaha sa basa, lalo na sa Metro Manila.
The post Slater Young walang Rolls Royce tulad ni Discaya, pero may payong sa kotse appeared first on Bandera.

No comments: