Gigi de Lana chinika sikreto sa pagiging healthy matapos malampasan ang bulimia

AFTER ng pag-amin ni Gigi de Lana na naging bulimic siya noon, ibinahagi naman niya ang kanyang "healthy secrets" para mapanatiling maayos ang kanyang katawan.
Sa kanyang panayam with Julius Babao sa YouTube vlog na "Unplugged," ikinuwento ng singer-actress kung paano niya nalagpasan ang nasabing eating disorder.
"Yes, wala na po… it's psychological. Sakit siya sa utak. Pero I'm really, really happy na cured na po ako and I did that," sey niya.
Aminado si Gigi na hindi lang bulimia ang dahilan ng kanyang drastic na pagpapayat, dahil kasama rin daw dito ang matinding stress na naranasan niya matapos pumanaw ang kanyang ina.
Baka Bet Mo: Gigi pinagtawanan chikang buntis kay Gerald, pagiging adik: Hindi po!
"Lahat 'yun, connected to one another," dagdag ng singer.
Pero ngayon, todo na ang effort ni Gigi para maging healthy.
Ang sikreto raw niya? Hindi siya nagpapa-busog nang sobra.
"Kapag naramdaman kong may laman na ang tiyan ko na not super full, I'm good. Kasi kapag super full, ina-acid din kasi ako," chika ng dalaga.
Bukod diyan, may unique health regimen din siyang ginagawa araw-araw.
"Garlic ibabad mo sa raw honey for seven days, tapos kainin mo every morning after fermentation—empty stomach ha! Kimchi is also good, pwede mo silang pagsamahin parang samgyup. Then wait 30 minutes, drink hot water. It eliminates your acid. Well, it works for me," pagbabahagi ng singer.
Hindi rin mawawala ang workout sa routine ni Gigi.
Kaya naman kitang-kita ngayon ang confidence at glow sa kanya, lalo't malaya na siya mula sa eating disorder na halos sumira noon sa kanyang kalusugan.
Ang mensahe naman niya sa mga nakakaranas ng parehong sakit: "Walang mali sa pag-try ng something new. If it works, it works. Pero ang mahalaga, alagaan niyo ang sarili niyo physically and mentally."
The post Gigi de Lana chinika sikreto sa pagiging healthy matapos malampasan ang bulimia appeared first on Bandera.

No comments: