Michael V ‘nadamay’ sa pagharap ni Sarah Discaya sa Senate hearing

TRENDING din ang pangalan ng Kapuso Comedy Genius na si Michael V matapos "makaladkad" sa kinasasangkutang kontrobersya ng negosyanteng si Sarah Discaya.
Ito'y may kaugnayan pa rin sa pagharap ni Discaya sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee kahapon, September 1, hinggil sa maanomalyang flood control projects sa Pilipinas.
Sa gitna ng seryoso at mainitang pagtalakay sa mga ghost flood control control projects sa naturang hearing ay nagpasabog naman ng katatawanan ang mga netizens sa pamamagitan ng paggawa ng mga nakakaaliw na memes.
Marami kasi ang nakapansin na may pagkakahawig si Discaya kay Bitoy habang sinasagot nito ang maiintrigang tanong ng mga senador.
Kaya naman humirit ang mga netizen na sana'y gawan agad ng parody ni Bitoy ang mga eksena ni Discaya sa Senado sa longest-running gag show nilang "Bubble Gang".
At mukhang nakarating naman ito sa production ng comedy show ng GMA 7 kaya naglabas sila ng isang Facebook post kung saan makikita ang isang karakter na pinasikat ng veteran komedyante.
Ang naturang character ay si "Mr. Assimo," na nakasuot ng puting shirt, eyeglasses at maiksi ang buhok. Ang nakalagay sa caption, "Hiyang-hiya naman kami sayo 'no!"
<iframe src="https://www.facebook.com/plugins/post.php?href=https%3A%2F%2Fwww.facebook.com%2Fbanderaphl%2Fposts%2F813166921044737&show_text=true&width=500" width="500" height="481" style="border:none;overflow:hidden" scrolling="no" frameborder="0" allowfullscreen="true" allow="autoplay; clipboard-write; encrypted-media; picture-in-picture; web-share"></iframe> Wala namang diretsahang binanggit na pangalan o sitwasyon sa post pero naniniwala ang mga netizens na patama ito kay Discaya.
Narito naman ang reaksyon ng mga netizens.
"Kaya pala di naging mayor, kasi magiging artista pala. Nice nice!"
"Dapat may bitbit ding payong haha."
"Excited ako sa next parody bi Michael V!!!! Hahahahaha."
"Hindi kamuka, walang nunal sa ilalim ng ilong."
"Kamukha niya legit hahaha."
"Hahaha ayan na nga na kaw tlga to e niloko kmi knina sbi discaya Yun hahha."
Kahapon, ginisa ng mga senador si Discaya at iba pang contractors na may mga proyekto sa Department of Public Works and Highways (DPWH) na umano'y pumaldo sa mga maanomalyang flood control projects.
Dito, mariing pinabulaanan ni Discaya na may kakilala siya sa DPWH na siyang nasa likod ng pagbibigay sa kanila ng mga kontrata sa ilang government projects.
The post Michael V 'nadamay' sa pagharap ni Sarah Discaya sa Senate hearing appeared first on Bandera.

No comments: