BREAKING NEWS

‘KPop Demon Hunters’ pinatalsik ang ‘Squid Game’ bilang most-watched sa Netflix

'KPop Demon Hunters' pinatalsik ang 'Squid Game' bilang most-watched sa Netflix
PHOTO: Courtesy of Netflix

GRABE mga ka-BANDERA, may bago nang naghahari sa Netflix!

Ang global sensation na "KPop Demon Hunters" na ang most watched sa streaming platform.

Naungusan nito ang sikat na "Squid Game" sa nasabing titulo.

Ayon sa official announcement ng streaming platform, ang animated film ay umani ng 266 million views.

Tinalo na ng fictional K-Pop group na Huntr/x, hindi lang ang unang season ng South Korean global hit na "Squid Game", kundi pati na rin ang U.S. series na "Wednesday."

Baka Bet Mo: Barbie Forteza, Eugene Domingo todo tarayan sa 'Kontrabida Academy'

At hindi lang 'yan, sa film category ay "KPop Demon Hunters" na rin ang most-watched movie of all time sa Netflix! 

Nalaglag sa trono ang 2021 blockbuster na "Red Notice" na pinagbibidahan nina Dwayne Johnson at Ryan Reynolds.

Para sa kaalaman ng marami, binibilang ng Netflix ang rankings base sa total views ng isang title sa loob ng unang 91 days. 

Since June 20 lang nirelease ang "KPop Demon Hunters," may dalawang linggo pa ito para mas palakasin ang kanyang reign. 

Ang kwento ng pelikula ay tungkol sa Huntr/x na ginagamit ang kanilang musika para labanan ang masasamang espiritu. 

At syempre, hindi magpapahuli ang soundtrack! Ang kantang "Golden" mula sa pelikula ay certified hit din, dahil tatlong linggo na itong number one sa Billboard Hot 100.

The post 'KPop Demon Hunters' pinatalsik ang 'Squid Game' bilang most-watched sa Netflix appeared first on Bandera.


‘KPop Demon Hunters’ pinatalsik ang ‘Squid Game’ bilang most-watched sa Netflix ‘KPop Demon Hunters’ pinatalsik ang ‘Squid Game’ bilang most-watched sa Netflix Reviewed by pinoyako on September 08, 2025 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close