BREAKING NEWS

Jong Madaliday waging The Clash 2025 champion, mahigit P4-M ang premyo

Jong Madaliday waging The Clash 2025 champion, mahigit P4-M ang premyo
Jong Madaliday

ITINANGHAL bilang grand champion ng "The Clash 2025" ang Clashbacker at Season 1 Runner-Up na si Jong Madaliday.

Matapos ang ilang buwan ng matitinding performances at nakakakabang eliminations, nasaksihan na nga kagabi, September 7, ang matensiyong grand finale ng "The Clash" this year.

Sa huling bakbakan, umangat si Jong laban sa kanyang mga katunggali matapos ang kanyang powerful at heartfelt rendition ng "Someone You Loved". 

Itinodo niya ang performance na tumatak hindi lang sa The Clash Panel kundi pati sa milyun-milyong nanood sa TV at online.

Hindi naging madali ang journey na ito ni Jong dahil malalakas din ang mga nakalaban niya.

Ang mga ito ay sina Arabelle Dela Cruz, Liafer Deloso, at Juary Sabith na nagpakita rin ng outstanding talent, kaya lalong naging intense at exciting ang labanan para sa titulo. 

Pinatunayan ng kanilang performances na ang "The Clash" ay tunay na tahanan ng world-class Pinoy talent.

Mula umpisa pa lang, kitang-kita na ang husay ni Jong at sa grand finals, lalo niyang pinatunayan na karapat-dapat siya sa spotlight.

Bilang grand champion, naiuwi ni Jong ang P1 million, isang management contract mula sa Sparkle GMA Artist Center, at isang brand-new house and lot mula sa Lessandra, kabuuang higit sa P4 milyon na premyo.

Isang bagong simula ito para kay Jong at tiyak na marami pa siyang ma-i-inspire sa kanyang kwento at talento. 

The post Jong Madaliday waging The Clash 2025 champion, mahigit P4-M ang premyo appeared first on Bandera.


Jong Madaliday waging The Clash 2025 champion, mahigit P4-M ang premyo Jong Madaliday waging The Clash 2025 champion, mahigit P4-M ang premyo Reviewed by pinoyako on September 08, 2025 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close