BREAKING NEWS

Kiko sa pambabastos daw ng TV network kay Sharon: Sinaktan n’yo siya

Kiko sa pambabastos daw ng TV network kay Sharon: Sinaktan n'yo siya
Sharon Cuneta at Kiko Pangilinan

GALIT na galit si Sen. Francis "Kiko" Pangilinan sa ginawang pambabastos umano ng programa sa isang TV Network sa kanyang asawang si Sharon Cuneta.

Nag-demand ang senador ng public apology mula sa Net25 at sa dalawang news anchor nito matapos idamay sa usapin ng maanomalyang flood control projects ang Megastar.

Ayon kay Pangilinan, hindi makatarungan ang pagbanggit nina Gen Subardiaga at Nelson Lubao sa kanilang programang "Sa Ganang Mamamayan" sa kanyang nananahimik na misis.

Ginawa raw katawa-tawa nina Subardiaga at Lubao si Sharon sa kanilang programa at sa harap ng publiko.

Sa kanyang Facebook page, inihayag ni Pangilinan kung bakit na-bad trip siya sa naging panayam ng nasabing programa kay Sen. Dante Marceta. Narito ang kabuuan ng kanyang official statement.

"Sa management ng Net 25: Tama ba na sa pagbatikos sa akin ng inyong mga anchors na sina Nelson Lubao at Gen Subardiaga sa programang 'Sa Ganang Mamamayan,' kung saan naging guest ninyo si Senador Dante Marcoleta, ay dinawit ninyo ang aking maybahay na si Sharon na wala namang kinalaman sa usapin ng kurakot sa flood control? 

"Binastos ng programang ito si Sharon at sinaktan ninyo ang kanyang kalooban kahit na nananahimik siya at walang kinalaman sa issue ng korupsyon. Ito ba ay upang mapag-usapan at dumami ang inyong viewership? 

"Tama ba na idawit ang isang inosenteng taong walang kinalaman sa official business ng Senado at gawing katawa-tawa ang kanyang pagkatao sa publiko? Ano ba ang ginawa ni Sharon sa inyong istasyon at sa mga anchorpersons, at binastos ninyo ang kanyang pagkatao? 

"Hindi ganito ang mga propesyunal na mga broadcaster. 

"Your anchors disrespected Sharon, insulted her, and wounded her feelings by dragging her in this issue. She deserves a public apology from Net 25 and your anchorpersons. 

"Huwag ninyong idinadawit ang mga inosente at binabastos lalo na ang mga asawa ng mga Senador na wala naman kinalaman sa mga usapin sa Senado."

Bukas ang BANDERA sa magiging pahayag at reaksyon ng nabanggit na TV network at dalawa nitong news anchor.

The post Kiko sa pambabastos daw ng TV network kay Sharon: Sinaktan n'yo siya appeared first on Bandera.


Kiko sa pambabastos daw ng TV network kay Sharon: Sinaktan n’yo siya Kiko sa pambabastos daw ng TV network kay Sharon: Sinaktan n’yo siya Reviewed by pinoyako on September 01, 2025 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close