BREAKING NEWS

Imee Marcos haharangin si Remulla sa Ombudsman; baka ibala kay VP Sara 

Imee Marcos haharangin si Remulla sa Ombudsman; baka ibala kay VP Sara 
Imee Marcos, Jesus Crispin Remulla at Sara Duterte

HAHARANGIN ni Sen. Imee Marcos ang pagtatalaga kay Justice Secretary Jesus Crispin Remulla bilang bagong Ombudsman.

Sinabi ni Marcos na marami ang kumikilos upang maitalaga bilang chief graft buster si Remulla kapalit ni Samuel Martires.

Ibinunyag ng senadora na gagamitin si Remulla bilang Ombudsman sa panibagong panggigipit kay Vice President Sara Duterte at sa iba pang miyembro ng pamilya ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Idiniin ni Marcos na sa 2027 patitindihin ang mga alegasyon para maharang ang kandidatura ng Pangalawang Pangulo sa 2028 presidential elections.

Ayon kay Marcos gagamitin niya sa pagharang sa pag-upo ni Remulla bilang Ombudsman ang nakabinbin nitong mga kasong administratibo at kriminal dahil sa pagpapakulong kay dating Pangulong Duterte.

Kaninang umaga ay humarap na sa Judicial Bar Council (JBC) si Remulla para sa kanyang aplikasyon na maging Ombudsman.

The post Imee Marcos haharangin si Remulla sa Ombudsman; baka ibala kay VP Sara  appeared first on Bandera.


Imee Marcos haharangin si Remulla sa Ombudsman; baka ibala kay VP Sara  Imee Marcos haharangin si Remulla sa Ombudsman; baka ibala kay VP Sara  Reviewed by pinoyako on September 02, 2025 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close