BREAKING NEWS

And Eigenmann bumanat tungkol sa ‘wealth na galing sa nakaw’

And Eigenmann bumanat tungkol sa 'wealth na galing sa nakaw'
Mark Gil at Andi Eigenmann

BUMANAT nang slight ang aktres na si Andi Eigenmann patungkol sa mainit na pinag-uusapang isyu ng korapsyon sa bansa.

Naisingit pa ni Andi ang pangbebengga sa mga taong namumuhay ng marangya pero galing naman sa pangungurakot ang ipinagmalalaking kayamanan, sa isa niyang Instagram post tungkol sa namayapang ama.

Sa pamamagitan ng kanyang Instagram, ginunita ni Andi ang mahahalagang kaganapan noong nabubuhay pa ang tatay niyang aktor na si Mark Gil.

Kahapon, September 1 ay inalala ng kanilang pamilya ang ika-11 anibersaryo ng kamatayan ni Mark. Sumakabilang-buhay ang aktor noong 2014 sa edad na 52.

Nag-share ang aktres sa kanyang Instagram Story ng throwback photo nila ni Mark Gil kung saan nabanggit nga niya na kahit matagal nang pumanaw ang ama ay ramdam pa rin niya sa sakit sa kanyang puso.

"It's been Il years since our dad passed. The longer it's been.

"The more 'comfortable' I've become in carrying that, but that doesn't mean it's gotten any better.

"In fact, sometimes it feels even heavier.

"Because the longer my life goes on, the more the moments we shared seem to shrink into tiny fragments of my whole life.

"And that's what breaks me," ang caption ng aktres sa kanyang IG post.

Pagpapatuloy ni Andi, "As I keep living, as I grow older, the moments I once had with him don't grow with me.

"They stay the same. Even more so now that I wish he could've seen me through all my life's milestones, all the little victories and struggles I know he would've been proud of me for, and most of all, his grandkids, that I know he would be so proud of.

"Maybe that's what makes memories so powerful. Even if they don't grow, they don't fade either.

"Those few special moments are still my most precious treasures.

"Grief has a way of teaching us how much love can stay alive, even when someone is gone," pahayag pa niya.

Sa mga hindi pa aware, anim na magkakapatid sa ama sina Andi. Siya ay anak ng aktor sa yumaong aktres na si Jaclyn Jose.

Anak naman ni Mark sina Gabby at Ira Eigenmann sa aktres ding si Irene Celebre habang sina Sid Lucero at Max Eigenmann ay anak ng namayapang aktor kay Bing Pimentel at si Stevie Eigenmann ay bunga ng relasyon ni Mark kay Maricar Jacinto.

Samantala, sa hiwalay na Instagam Story ni Andi ay makikita ang litrato nilang magkakapatid kasama ang kanilang tatay. 

Sey ni Andi, maituturing niyang greatest gift sa kanila ng ama sa paglisan nito ay ang pagkakasundo at pagmamahalan nilang magkakapatid kahit iba-iba ang kanilang ina.

"Our dad's greatest legacy. The best gift he left us, is EACH OTHER.

"Happy na sa siblings ang na-give rather than wealth na galing sa nakaw," ang hugot pa ni Andi na pinaniniwalaang simpleng banat niya sa hot topic tungkol sa korapsiyon sa gobyerno.

The post And Eigenmann bumanat tungkol sa 'wealth na galing sa nakaw' appeared first on Bandera.


And Eigenmann bumanat tungkol sa ‘wealth na galing sa nakaw’ And Eigenmann bumanat tungkol sa ‘wealth na galing sa nakaw’ Reviewed by pinoyako on September 02, 2025 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close