BREAKING NEWS

Julia Montes malaking bahagi ng ‘Batang Quiapo’; Donny, Kyle bibida sa ‘Roja’

Julia Montes malaking bahagi ng 'Batang Quiapo'; Donny, Kyle bibida sa 'Roja'

MALAKI pala talaga ang papel ni Julia Montes sa "FPJ's Batang Quiapo" dahil isa na siya sa producer nito kaya pinalagay n ani Coco Martin ang pangalan ng kanyang lady love sa credits.

Ang aktres pala ang nag-aayos ng paper works ng BQ at pati pagdating sa finances ay sa kanya na rin ipinagkatiwala ni Coco bilang producer/direktor/aktor.

Sumakto naman ito sa paliwanag sa amin noon ni Julia nang maka-usap namin ng solo kung co-prod siya sa Batang Quiapo dahil nga nasambit niyang puro pagne-negosyo na ang iniisip nila ng boyfriend niya.

Hindi nga lang binanggit noon ni Julia kung ano talaga ang papel niya sa BQ dahil siguro nahihiya pero ngayon ay alam na ng lahat dahil ipinalagay n ani Coco ang pangalan niya.

Bukod sa pinagkaka-abalahang BQ ni Julia ay abala rin siya sa kanyang online business na Take Out Food Store na laging sold out ang mga panindang dimsum.

Baka Bet Mo:EXCLUSIVE: Coco Martin ibinuking ni Julia Montes, ibang klaseng magmahal

***

Inaabangan na ng netizens ang unang pagsabak nina Donny Pangilinan at Kyle Echarri sa isang action-drama series para sa "Roja," kung saan inanunsyo na nitong Lunes (Setyembre 1) kung sino-sino pa ang cast members na makakasama nila sa serye. 

Ibang timpla naman ang handog ng Kapamilya heartthrobs na sina Donny at Kyle sa "Roja" dahil sasalang sila sa ilang action scenes para sa isang nakakaintrigang kwento na ipapalabas ngayong taon.

Inilabas na rin ng ABS-CBN at Dreamscape Entertainment ang "first look" ng star-studded cast na tila nababalot ng misteryo ang kanilang awrahan sa pangunguna nina Donny, Kyle, Maymay Entrata, Janice De Belen, Joel Torre, Raymond Bagatsing, at Lorna Tolentino.

Na-excite rin ang mga manonood dahil inanunsyo na kabilang sa cast ang rising young stars na sina Kai Montinola, AC Bonifacio, Harvey Bautista, Iñigo Jose, at Emilio Daez.

Makakasama rin sa "Roja" sina Nikki Valdez, Cris Villanueva, Zia Grace, Freddie Webb, Sandy Andolong, Robert Seña, Levi Ignacio, Rubi Rubi, Inka Magnaye, Vangie Castillo, Sophie Reyes, Rikki Mae Davao, Rans Rifol, Maika Rivera, Lou Yanong, Marc Abaya, Bernard Palanca, Floyd Tena, Raven Molina, at Gello Marquez.

Ang Roja ay mula sa direksyon nina Law Fajardo at Raymund Ocampo. 

The post Julia Montes malaking bahagi ng 'Batang Quiapo'; Donny, Kyle bibida sa 'Roja' appeared first on Bandera.


Julia Montes malaking bahagi ng ‘Batang Quiapo’; Donny, Kyle bibida sa ‘Roja’ Julia Montes malaking bahagi ng ‘Batang Quiapo’; Donny, Kyle bibida sa ‘Roja’ Reviewed by pinoyako on September 02, 2025 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close