BREAKING NEWS

Annette Gozon-Valdes excited sa collab film with Mentorque, may pasabog kay Shuvee?

Annette Gozon-Valdes excited sa collab film with Mentorque, may pasabog kay Shuvee?

"VERY impressive 'yung mga first ventures nila as in, ang lakas talaga. And I think 'yun 'yung kailangan din ng industry new blood, new ideas, new ways of doing things, which meron ang Mentorque," ito ang katwiran ni Ms Annette Gozon-Valdes nang maka-tsikahan namin over lunch sa isang restaurant sa Quezon City kung bakit nakipag-collab siya sa Mentorque Productions isang baguhang movie outfit.

Pagkatapos ng contract signing ng GMA Pictures at Mentorque Productions nitong Agosto 28, Huwebes ay nagyaya si John Bryan Diamante ng lunch kasama sina Ms Annette, Direk Frasco Mortiz, Ms Nessa Valdellon at iba pang executives ng Kapuso network.

Naunang dumating ang grupo ng Mentorque sa restaurant kaya't nasagot na ni Bryan kung bakit siya nakipag-collab sa GMA Pictures.

"For me kasi, collaborating with them means understanding how they do it. The company is there, pero hinahanap pa namin 'yung direksyon namin."

Baka Bet Mo: Vice Ganda nag-sorry sa GMA exec na si Annete Gozon-Valdes, anyare!?

Partnering with GMA was both strategic and aspirational. On producer's part is siyempre 'yung reach ng GMA, their legacy,"pahayag ng Mentorque President at CEO.

At nang tanungin naman si Ms Annette ay, "Gusto ko talaga i-foster lalo na sa movie industry that everyone can work together. Mas maganda na cooperative lahat, walang competition. Tapos win-win 'yung nangyayari. Kasi ang liit ng industry and the struggles that we have so mas maganda 'yung stronger together."

At saka nga niya nabanggit na sobrang humanga siya sa pagpasok ng Mentorque Productions dahil ang lalaki ng dalawang pelikulang pinodyus nito ang "Mallari" (2023) at "Uninvited" (2024).

Totoo naman talaga dahil naging usapan sa apat na sulok ng showbiz ang bonggang mediacon at promo ng dalawang pelikula ng Mentorque Productions.

"Syempre 'yung pinanggalingan nilang blockbuster movie is a horror movie. So naisip ko nga, meron tayong horror movie, sabihin ko na kay Bryan baka gusto nila mag-partner," say ni Ms Annette.

At dahil horror/thriller ang mga gustong gawin ni Bryan ay napapayag kaagad siya sa pelikulang "Huwag Kang Titingin" na ididirek ni Frasco Mortiz.

Nabanggit naman ni Bryan na open for suggestions ang GMA kaya naging madali ang pag-uusap nila ni Ms Annette, kaya pala nasabing, 'fastest pitch ever."

Sa mga bibida ng "Huwag Kang Titingin" na sina Sofia Pablo, Allen Ansay at Marco Masa, with PBB alumni Shuvee Etrata, Charlie Fleming, Michael Sager, Josh Ford at Kira Balinger excited ang dalawang producers dahil parehong hot ngayon.

"Originally it's the project for Sofia Pablo and Allen Ansay," sambit ng GMA boss.

Dagdag pa, "tapos meron, siyempre, inisip namin sino talaga 'yung mga okay na ipasok para mukha talaga silang barkada na mag-jell together. Dahil medyo maiingay rin 'yung mga artists, lumaki rin 'yung mga ibang roles nila."

At dito natanong kung bakit kasama si Shuvee, "actually, favorite siya ng brands. Kasi ang tagal na namin siyang inaalagaan and napakabait kasi talaga na bata. So even before PBB, pinu-push namin siya talaga. Pero napansin siya after PBB. Dati ayaw ninyo siyang pansinin, ngayon hindi na namin siya makita."

Samantala, nu'ng nag-usap daw sina Ms Annette at Bryan ay, "yung original pinag-uusapan namin dati, gawa tayo for MMFF one day. Parang mag-join forces tayo, ganun. Pero 'yung mga MMFF movies kasi takes two years to plan, so parang hindi muna ito… pero pwede natin i-try!"

At ayaw ng ani Bryan dahil napagod siya kasama ang team niya sa magkasunod na taong MMFF.

"Ako, nag-stay away ako talaga kasi parang after nung back-to-back ('Mallari' and 'Uninvited'), parang kakapagod talaga siya. Akala nila for MMFF ito (Huwag Kang Titingin) for sure," saad ni Bryan.

Hirit ni Ms Annette, "pwede naman nating itry."

Pero hindi na sumagot ang Mentorque president dahil ayaw nga niya na for Metro Manila Film Festival ang "Huwag Kang Titingin".

Ngayong buwan, September na ang start ng shooting ng "Huwag Kang Titingin" at suhestiyon ng ani Bryan ay sa Batangas ang location.

"Sabi ko nga sana na-shoot natin sa Batangas 'to. 'Yun 'yung proposal namin."

"'Yung story kasi talagang dapat outside Metro Manila. So puwedeng puwede," sagot ni Ms Annette.

The post Annette Gozon-Valdes excited sa collab film with Mentorque, may pasabog kay Shuvee? appeared first on Bandera.


Annette Gozon-Valdes excited sa collab film with Mentorque, may pasabog kay Shuvee? Annette Gozon-Valdes excited sa collab film with Mentorque, may pasabog kay Shuvee? Reviewed by pinoyako on September 02, 2025 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close