BREAKING NEWS

Heart Evangelista ipinagtanggol ni Tulfo sa bashers: Leave her alone!

Heart Evangelista ipinagtanggol ni Tulfo sa bashers: Leave her alone!
Heart Evangelista

KINAMPIHAN ni Ramon Tulfo ang Kapuso actress na si Heart Evangelista laban sa mga kumukuwestiyon sa  kayamanan at karangyaan nito.

Niresbakan ng veteran media personality ang mga taong nagsasabing pera raw ng asawa nitong si Sen. Chiz Escudero ang kanyang ginagastos sa pagta-travel sa iba't ibang bansa at pagbili ng mga expensive bags and shows.

Wala raw dapat kuwestiyunin sa lifestyle ng fashion icon dahil lahat daw ng pag-aari at properties nito ay galing sa sarili niyang dugo at pawis mula sa ilang taong pagtatrabaho.

"Leave her alone! Heart Evangelista is a billionaire in her own right as she comes from the wealthy Ongpauco clan that owns the Barrio Fiesta chain of restaurants.

"Before she got married to Chiz Escudero, Heart was earning oodles and oodles of money as a movie actress and influencer," ang pahayag ni Tulfo.

Aniya pa, "The money she spends is her own, not Chiz's. I should know, I'm a friend of her uncle Rod Ongpauco."

In fairness naman kay Heart, talaga namang pinagpaguran niya nang bonggang-bongga ang kayamanan niya ngayon. Sa mga endorsement pa lang niya ay milyun-milyon na ang kanyang kinikita.

Base sa computation ng mga netizen, more than 50 na ang endorsements ng aktres, idagdag ang kanyang mga brand collab.

Bukod pa riyan, ilang teleserye na rin ang nagawa niya sa ABS-CBN at GMA 7 plus mga pelikula sa Star Cinema.

Consistent din siya sa kanyang pagiging influencer and brand ambassador ng mga luxury brand. Kaya naman ang komento ng netizens isa siya sa mga idol ng nepo babies na panay ang flex ng mga luxury items sa social media.

Ang pagkakaiba lang, si Heart provided ng mga ineendorsong brand ang majority sa kanyang luxury items habang ang nepo babies, binibili nila ang mga kagamitan nilang daang libo ang presyo.

Matagumpay din ang negosyo niyang sun serum na Luxelle Centella. Palagi nga raw soldout ang mga ito online at maging sa physical store.

Pero hindi lang pala ito solong negosyo ni Heart, ka-partner din daw niya rito ang kanyang glam team.

The post Heart Evangelista ipinagtanggol ni Tulfo sa bashers: Leave her alone! appeared first on Bandera.


Heart Evangelista ipinagtanggol ni Tulfo sa bashers: Leave her alone! Heart Evangelista ipinagtanggol ni Tulfo sa bashers: Leave her alone! Reviewed by pinoyako on September 07, 2025 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close