Pier Giorgio Frassati, Carlo Acutis opisyal nang kinilala bilang santo

OPISYAL nang kinikilala ngayon ng Simbahang Katoliko bilang mga santo sina Carlo Acutis at Pier Giorgio Frassati.
Mismong si Pope Leo XIV ang nanguna sa kanonisasyon ng mga Italyanong sina Carlo Acutis at Pier Giorgio Frassati kahapon, September 7 sa St. Peter's Square, Rome.
Tinawag silang mga "millennial saints" dahil sa kanilang debosyon na hikayatin ang publiko lalo na ang mga kabataan na magbalik-loob sa simbahan at patuloy na gumawa ng kabutihan sa kapwa.
Libu-libong Katoliko ang sumugod sa St. Peter's Square upang saksihan ang kanonisasyon ng dalawang "millennial saints". Naroon din sa seremonya ang nanay at mga kapatid ni Acutis.
Base sa mga ulat, si Acutis ay isang 15-year old gamer at computer programmer na ginamit ang talento at kaalaman sa technology para maipalaganap ang mga salita ng Diyos.
Gumawa rin siya ng website para maipahayag sa buong mundo ang kanyang pananampalataya. Dahil dito, binansagan siyang, "God's influencer."
Si Frassati naman ay kinilala sa kanyang athletic lifestyle at pagtulong sa mga mahihirap sa kanilang komunidad. At dahil dito, tinawag naman siyang "Man of the Beatitudes" ni Pope John Paul II.
Mensahe ni Pope Leo XIV sa kanyang homily, ginamit nina Frassati at Acutis
ang kanilang kaalaman at talino para maipamahagi ang mga salita at kautusam ng Panginoon sa mga tao.
"Even when illness struck them and cut their lives short, not even this stopped them nor prevented them from loving, offering themselves to God. Blessing him and praying to him for themselves and for everyone," sabi ng Santo Papa.
"'The day of my death will be the happiest day of my life,'" ang pag-uulit ng Santo Papa sa mga salitang binanggit noon ni Frassati.
"Moreover, Carlo, who's younger than Pier Giorgio, loves to say that 'heaven has always been waiting for us, and that to love tomorrow is to give the best of our fruit today," aniya pa.
The post Pier Giorgio Frassati, Carlo Acutis opisyal nang kinilala bilang santo appeared first on Bandera.

No comments: